Belial
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Belial (Hebreo: בְּלִיַּעַל, Bəlīyyaʿal) ay katagang matatagpuan sa Lumang Tipan at Bagong Tipan at isang Diablo. Sa Apocryphon ni Juan, siya ang pinuno ng mundong ilalim. Ang etimolohiya ng Belial ay karaniwang isinasaling "walang halaga" [1] mula sa mga beli- (בְּלִי "walang-") at ya'al (יָעַל "magkaroon ng halaga"). Ito ay isinalin ng ilang iskolar na "walang halaga" (Beli yo'il) o "walang pamatok".[2] Sa Digmaan ng mga Anak na Lalake ng Liwanag Laban sa mga Anak na lalake ng Kadiliman, si Belial ang pinuno ng mga anak na lalake ng Kadiliman.[3][4] Sa Patakaran ng Pamayanan, si Belial ang nangangasiwa sa hanay ng mga demonyo na ibinigay sa kanya ng Diyos upang magsagawa ng kasamaan sa mundo.[5] Si Belial ay itinuring ring isang anghel[6]Ang kanyang presensiya ay matatagpuan sa Mga Iskrolyo ng Digmaan at isang puwersa na katunggali ng Diyos. Isinaad rito na "ang unang pagsalakay ng mga Anak na Lalake ng Liwanag ay isasagawa ng mga Anak ng Lalake ng Kadiliman na hukbo ni Belial."[7][8] Siya ay binanggit sa 2 Corinto 6:15:
Ito ay matatagpuan sa maraming manuskrito bilang Beliar (Βελιάρ) at hindi Belial (Βελίαλ) at ang Beliar ang pinili ng karamihan ng mga iskolar ng Bibliya.[9] Ang pagbabago ng -l sa -r ay karaniwang itinuturo sa karaniwang pagbabago sa bigkas na Aramaiko.[10][11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.