Belgrado
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Belgrado ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Serbiya. Matatagpuan ito sa pagtatagpo ng mga ilog ng Sava at Danube at sa sangang-daan ng Kapatagan ng Panonika at Tangway ng Balkanika.[7] Halos nasa 1.7 milyong tao ang nakatira sa administratibong hangganan ng Lungsod ng Belgrado, isang sangkapat ng kabuuang populasyon ng Serbia.[5]
Belgrade | |||
---|---|---|---|
Lungsod ng Belgrado Град Београд (Serbiyo) Grad Beograd | |||
| |||
Awit: Химна Београду Himna Beogradu "Anthem to Belgrade" | |||
Mga koordinado: 44°49′04″N 20°27′25″E | |||
Country | Serbia | ||
City | Belgrade | ||
Municipalities | 17 | ||
Establishment | Prior to 279 B.C. (Singidunum)[1] | ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | City Assembly of Belgrade | ||
• Mayor | Vacant | ||
• Deputy Mayor | Vacant | ||
• Ruling parties | SNS–SPS | ||
Lawak | |||
• Capital city | 389.12 km2 (150.24 milya kuwadrado) | ||
• Urban | 1,035 km2 (400 milya kuwadrado) | ||
• Metro | 3,234.96 km2 (1,249.03 milya kuwadrado) | ||
Taas | 117 m (384 tal) | ||
Populasyon (2022) | |||
• Capital city | 1,197,714[3] | ||
• Kapal | 3,078/km2 (7,970/milya kuwadrado) | ||
• Urban | 1,383,875[4] | ||
• Densidad sa urban | 1,337/km2 (3,460/milya kuwadrado) | ||
• Metro | 1,681,405[5] | ||
• Densidad sa metro | 520/km2 (1,300/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Belgradian (en) Beograđanin (m.) / Beograđanka (f.) (sr) | ||
GDP | |||
• Metro | €21.4 billion (2021) | ||
• Per capita (nominal) | €12,700 (2021) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Postal code | 11000 | ||
Area code | +381(0)11 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | RS-00 | ||
Plaka ng sasakyan | BG | ||
International Airport | Belgrade Nikola Tesla Airport (BEG) | ||
Websayt | beograd.rs |
Isa ang Belgrado sa pinakamatandang patuloy na tinitirhan na lungsod sa Europa at sa sanlibutan. Isa sa mga mahalagang kalinangan sa Europa bago ang kasaysayan, ang kulturang Vinča, ay nagbago sa loob ng pook ng Belgrade noong ika-6 na milenyo BC. Noong anteguwedad, nanirahan ang mga Trako-Dasyo sa rehiyon at, pagkatapos ng 279 BC, nanirahan ang mga Selta sa lungsod, at pinangalan itong Singidūn.[8] Nasakop ito ng mga Romano sa ilalim ng pamumuno ni Augusto at ginawaran ng Romanong karapatan sa lungsod noong kalagitnaan ng ika-2 dantaon.[9] Nanirahan ang mga Eslabo dito noong dekada 520, at nagbago ng paghawak dito sa pagitan ng Imperyong Bisantino, Imperyong Franco, Imperyong Bulgaro at ang Kaharian ng Unggaryo bago ito naging luklukan ng hari ng Serbia na si Stefan Dragutin noong 1284. Nagsilbi ang Belgrado bilang kabisera ng Serbiyong Despotate noong paghahari ni Stefan Lazarević, at pagkatapos, ibinalik ng kanya kahalili na si Đurađ Branković sa Unggaryong hari noong 1427. Ang pagkalembang ng mga kampana tuwing tanghali bilang suporta sa sandatahang Unggaryo laban sa Imperyong Otomano noong pagkubkob ng 1456 ay nanatiling isang malawak na tradisyon sa simbahan hanggang sa ngayon. Noong 1521, sinakop ang Belgrado ng mga Otomano at naging luklukan ng Sanjak ng Smederevo.[10] Madalas na naipapasa ito mula pamumunong Otomano tungong pamumunong Habsburg, na nakita ang pagkawasak ng karamihan ng lungsod noong digmaang Austro-Gipsy.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.