Belen
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Belen o Bethlehem (Arabe: بيت لحم, Bayt Laḥm, “bahay ng karne”; Ebreo: בית לחם, Beyt Leẖem, “bahay ng tinapay”) ay isang lungsod sa Kanlurang Pampang. May kahalagahan ang lungsod na ito sa relihyong Kristyanismo dahil ayon sa Bibliya ay ito ang lugar na kinapanganakan ni Hesus noong unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Dito rin naninirahan ang isa sa mga pinakamalalaking komunidad ng mga Kristyanong Palestinong natitira pa sa Gitnang-Silangan. Tinatawag na Belenita ang isang taong taga-Belen o nagmula sa Betlehem.[2]
Belen o Bethlehem | |
---|---|
Transkripsyong Other | |
• Arabic | بيت لحم |
• Also spelled | Beit Lahm (official) Bayt Lahm (unofficial) |
Mga koordinado: 31°42′16″N 35°12′22″E | |
Governorate | Bethlehem |
Pamahalaan | |
• Uri | City (from 1995) |
• Head of Municipality | Vera Baboun[1] |
Populasyon (2007) | |
• Jurisdiction | 25,266 |
Name meaning | bahay ng karne (Wikang Arabe); bahay ng tinapay (Wikang Ebreo & Arameo) |
Websayt | www.bethlehem-city.org |
Ang Bethelehem ay unang binanggit sa mga Liham ng Amarna noong ca. 1400 BCE bilang "Bit-Lahmu" sa Kanaan. Nagsumamo ang Hari ng Herusalen sa kanyang panginoon na Faraon ng Ehipto na muling kunin ang Bit-Lahmu mula sa panggugulo ng mga Apiru. Si Lahmu o Lachama ang Diyos na Akadyo ng pertilidad at sinamba noong ika-3 milenyo BCE na pinagtayuan nila ng templo sa bundok na kilala ngayon bilang Bundok ng Natibidad. Ang bayan ay kilala bilang Beit Lachama o "Bahay ni Lachama". Ang pagbigkas ay pareho sa loob ng 3,500 taon ngunit pinakahulugan ng iba iba sa paglipas ng panahon. Sa Kananeo ay orihinal na nangahulugang "Bahay o Templo ni Lahmu", sa Ebreo at Arameo ay naging "Bahay ng Tinapay", sa Arabiko ay naging "Bahay ng Karne".
Naniniwala ang ilang mga skolar na ang Belen ay pareho sa Epratha sa Bibliya na nangangahulugan fertile o palaanak.
Ang Belen ang lugar na pinagpanganakan kay Hesus ayon sa Ebanghelyo ni Mateo 2:1 at Ebanghelyo ni Lucas. Ayon din sa Mateo 2:16, ipinapatay ni Dakilang Herodes (na namatay noong 4 BCE) ang mga sanggol at batang dalawang taon pababa sa Belen at mga kalapit na lugar dahil nalaman ni Herodes na inangkin ng mga Mago na ipapanganak ang "hari ng mga Hudyo" sa Belen. Ang karamihan ng mga modernong biograpo ni Herodes ay buong hindi naniniwala sa salaysay ng masaker ni Herodes ng mga sanggol sa Mateo.[3]
Salungat sa Mateo 2, isinaad sa Ebanghelyo ni Lucas Kapitulo 2 na si Hesus ay ipinanganak sa Belen noong panahon ng censo ni Quirinio na ayon kay Josephus ay nangyari noong 6-7 CE/AD.[4]
Ang mga paghuhukay sa Belen ay nagpakitang ang Belen sa Judaea ay hindi umiiral bilang isang gumaganang bayan sa pagitan ng 7 at 4 BCE na panahong pinaniniwalang ipinanganak si Hesus. May mga materyal na nahukay mula 1200 hanggang 550 BCE sa Belen gayundin mula ika-6 siglo CE ngunit walang materyal na nahukay sa Belen noong mula unang siglo (100 BCE -1 BCE) o unang siglo (1-100 CE/AD).[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.