From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga terminong Baybaying Berberisca o Baybaying Barbary, Barbary, Berbery, o Baybaying Berber ay ginamit sa sangguniang mula sa wikang Ingles (katulad ng mga katumbas na termino sa ibang mga wika) mula ika-16 na siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-19 upang tumukoy sa mga baybaying rehiyon ng Hilagang Africa o Magreb, partikular ang Otomanong mga hangganang lupain na binubuo ng mga rehensiya sa Tripoli, Alher, at Tunis gayundin, kung minsan, Morocco.[1][2] Ang termino ay nilikha bilang pagsangguni sa mga Berber.[kailangan ng sanggunian]
Ang Berberisca ay hindi palaging isang pinag-isang pampolitikang entidad. Mula noong ika-16 na siglo, nahati ito sa mga pampulitikang entidad ng Rehensiya ng Alher, Tunis, at Tripolitania (Tripoli). Kasama sa mga pangunahing pinuno at maliliit na monarko noong panahon ng mga partidong pandarambong ng mga Estadong Berberisca ang Pasha o Dey ng Alher, ang Bey ng Tunis, at ang Bey ng Tripoli.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.