Batas ni Gauss para sa magnetismo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa pisika, ang batas ni Gauss para sa magnetismo ang isa sa mga ekwasyon ni Maxwell na saligan ng klasikong elektrodinamika. Ito ay nagsasaad na ang magnetikong field B ay may diberhensiyang katumbas ng sero. Sa ibang salita, ito ay isang solenoidal vector field. Ito ay katumbas sa pahayag na ang mga magnetikong monopolo ay hindi umiiral. Sa halip na mga magnetikong karga, ang basikong entidad para sa magnetismo ang magnetikong dipolo. Ang pangalang Ingles na "Gauss's law for magnetism"[1] ay hindi pangkalahatang ginagamit. Ang batas na ito ay tinatawag ring "Absence of free magnetic poles".[2] (o ibang anyo). Ang isang sanggunian ay nagsaad na ang batas na ito ay "walang pangalan".[3] Ito ay tinutukoy rin bilang "transversality requirement"[4].
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.