From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kuwento hinggil kina Barlaam at Josaphat, na nakikilala rin bilang Balauhar at Budasaf o Bilawhar wa-Yudasaf, ay isang maalamat na pagsasalaysay ng kuwento ni Gautama Buddha sa Islam na nagmula sa wikang Sogdiano (Gitnang Iraniano).[1]
Ang kuwento nina Barlaam at Josaphat o Joasaph ay isang kuwentong ginawang Kristiyano na kalaunang bersiyon ng kuwento ni Gautama Buddha na tagapagtatag ng Budismo. Noong mga Gitnang Panahon, ang dalawang ito ay tinuran bilang mga santong Kristiyano. Sila ay isinali sa kalendaryo ng Griyegong Ortodokso sa Agosto 26 at sa Simbahang Kanluranin sa Martirolohiyang Romano bilang Barlaam at Josaphat sa petsang Nobyembre 27. Sa tradisyong Slaviko ng Simbahang Silangang Ortodokso, sila ay inaalala tuwing Nobyembre 19.
Ayon sa alamat, inusig ni Haring Abenner o Avenier ng India ang iglesiang Kristiyano sa kanyang sakop na itinatag ni Apostol Tomas. Nang hulaan ng mga astrologo na ang kanyang sariling anak ay balang araw magiging isang Kristiyano, inilayo ni Abenner ang batang prinsipeng si Josaphat mula sa pakikisalamuhang panlabas. Sa kabila ng pagkakabilanggo, nakilala ni Josaphat ang Santong Barlaam at naakay siya sa Kristiyanismo. Pinanatili ni Josaphat ang kanyang pananampalataya kahit sa galit at panghihikayat ng kanyang ama na lumisan dito. Kalaunan, si Abenner ay naakay rin at isinuko ang kanyang trono kay Josaphat na tumungo sa disyerto upang maging ermitanyo. Kalaunan, si Josaphat ay nagbitiw sa trono at tumungo sa pag-iisa kasama ng kanyang matandang gurong si Barlaam.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.