Balarila ng Wikang Espanyol
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ito ang Balarila ng Wikang Espanyol, na isang wikang Romanse na nagmula sa hilagang gitnang bahagi ng Espanya at ginagamit na siya ngayon sa kabuuan ng naturang bansa, sa halos dalawampung bansa sa mga Amerika, at sa Ginea Ekwatoryal.
Wikang "pleksibo" (inflected) ang Espanyol. May potensyal na pagmamarka sa mga pandiwa ayon sa panahunan, aspeto, paturol, tao o bilang (na nagreresulta sa halos limampung anyo ng pagbabanghay bawat pandiwa). Binubuo ang mga pangngalan ng dalawang sistemang pang-kasarian at minamarkahan para sa bilang. Maaaring baguhin ang impleksyon ang mga panghalip para sa tao, bilang o pang-kasarian (kabilang ang labing walang kasarian [residual neuter]), at kaso, baga ma't sumasagisag ang sistemang pronominal ng Espanyol sa pagpapa-alwan ng sinaunang sistema ng Latin.
Isa ang Espanyol sa mga bernakular sa Europa na nagkaroon ng kasunduang pambalarila, ang Gramática de la lengua castellana (Balarila ng wikang Kastila) na isinulat noong 1492 ng dalubwikang Andalus na si Antonio de Nebrija at iniharap kay Isabela I ng Kastilya sa Salamanka.[1]
Nakagisnang iniaatas ng Real Academia Española (RAE) ang mga pamantayang tuntunin sa wikang Espanyol, maging sa palabaybayan o ortograpiya nito.
Kapansin-pansing kakaunti lang ang mga pinagkaibang pang-pormal ng Peninsular at Amerikanong Espanyol, at hindi mahihirapan sa pormal na pananalita ng iba ang sino mang natuto ng wikain ng isang lugar na iyon; ganoon pa man, magkakaiba-iba ang pagbigkas, maging sa balarila at talasalitaan.
Nabibilang ang bawat pandiwang Espanyol sa isa sa tatlong uri ng anyo na binibigyang-katangian ng mga pawatas na nagtatapos sa -ar, -er at -ir (na minsan ding tinatawag na una, ikalawa at ikatlong pagbabanghay na naaayon sa mga nabanggit na tatlo).
Mayroong siyam na indikatibong panauhan (indicative tense) na mayroong higit-kumulang na direktang katumbas sa Espanyol: ang pangkasalukuyang panauhan ('Nalakad ako'; Yo ando), ang preterito ('Naglakad ako'; Yo anduve), ang di-perpekto (Yo andaba o Yo solía andar), ang kasalukuyang perpekto ('Nakapag-lakad ako'; Yo he andado), ang pangnagdaang perpekto — na tinatawag ding pluperpekto (Yo había andado), ang panghinaharap ('Maglalakad ako'; Yo andaré), ang panghinaharap na perpekto ('Makakapag-lakad ako'; Yo habré andado), ang kondisyonal ('Maglalakad sana ako'; Yo andaría) at ang kondisyonal na perpekto ('Makakapag-lakad sana ako'; 'Yo habría andado').
Karamihan sa mga wikain o diyalekto, ang bawat panauhang pang-pandiwa ay mayroong anim na anyo, na nagbabago-nago mula sa una, pangalawa, at pangatlong katauhan at para sa pang-isahan at pangmaramihang bilang. Sa ikalawang katauhan, pinapanatili sa Espanyol ang tinatawag na "Pagkakaibang T-V" sa pagitan ng pamilyar at pormal na modo ng pagbibigay-tugon. Ang mga panghalip sa pormal na ikalawang katauhan (usted 'ikaw po', ustedes 'kayo po') ay nakahanay sa ikatlong katauhan ng mga anyong pandiwa.
Ginagamit ang ikalawang katauhang pamilyar na pangmaramihan sa maraming lugar sa Espanya na may panghalip na vosotros ('kayo') at ang mga anyo ng pandiwang na nakabanghay dito (hal. coméis 'nakain kayo'), habang sa Espanyol ng Amerika Latina ay nakapaloob sa pormal na ikalawang katauhang pangmaramihan (hal. ustedes comen 'nakain po kayo'). Ibig sabihin, sa Amerika Latin ay hindi naka-panatili sa anyong pangmaramihan ang pagkakaibang pamilyar/pormal sa ikalawang katauhan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.