Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ibn Sina (Persa: ابن سینا), kilala rin bilang Abu Ali Sina (ابوعلی سینا), Pur Sina (پورسینا), at kilala sa kanluran bilang Avicenna ( /ˌævɪˈsɛnə,_ˌɑːvɪʔ/; 980 – Hunyo 1037) bilang Persyanong[7][8][9] polimata na itinuturing bilang isa sa mga pinakamahalagang manggagamot, dalubtala, palaisip at manunulat ng Islamikong Ginintuang Panahon,[10] at ang ama ng maagang makabagong medisina.[11][12][13] Tinatawag din si Avicenna bilang "pinakamaimpluwensiyang pilosopo bago ang modernong panahon".[14] Isa siyang peripatetikong pilosopo na naimpluwensyahan sa pilosopiya ni Aristoteles. Sa 450 na pinaniniwalaang isinulat niya, mga 240 ang natitira, kabilang ang 150 ukol sa pilosopiya at 40 ukol sa medisina.[15]
Avicenna Ibn Sina | |
---|---|
ابن سینا | |
Kapanganakan | 23 Agosto 980[1] |
Kamatayan | 22 Hunyo 1037 56)[1] Hamadān, Iran | (edad
Ibang pangalan |
|
Akademikong saligan | |
Mga impluwensya |
|
Akademikong gawain | |
Panahon | Islamikong Ginintuang Panahon |
Paaralan o tradisyon | Abisenismo |
Pangunahing interes |
|
Mga katangi-tanging akda |
|
Inimpluwensyahan sina |
|
Ang kanyang mga pinakatanyag na akda ay Ang Aklat ng Paglunas, isang ensiklopedyang pilosopiko at siyentipiko, at Ang Kanon ng Medisina, isang ensiklopedyang panggamot[16][17][18] na naging pamantayan sa mga tekstong panggamot sa mararaming edad medyang pamantasan[19] at napanatili ang paggamit hanggang sa 1650.[20]
Maliban sa pilosopiya at medisina, kabilang sa korpus ni Avicenna ang mga sulat ukol sa astronomiya, alkimiya, heograpiya at heolohiya, sikolohiya, Islamikong teolohiya, lohika, sipnayan, pisika at mga tula.[21]
Ang Avicenna ay isinalating pangalan ng Arabeng patronimo ibn Sīnā (ابن سينا),[22] na nangangahulugang "Anak ni Sina". Gayunpaman, si Avicenna ay hindi anak ngunit ang apo sa sakong ng lalaking nagngangalang Sina.[23] Ang kanyang pormal na pangalang Arabe ay Abū ʿAlī al-Ḥusayn ibn ʿAbdillāh ibn al-Ḥasan ibn ʿAlī ibn Sīnā[24] (أبو علي الحسين بن عبد الله بن الحسن بن علي بن سينا).
Gumawa si Ibn Sina ng malawakang korpus ng gawain noong panahon na karaniwang kilala bilang Islamikong Ginintuang Panahon, kung kailan pinag-aralan nang malawakan ang mga salinwika ng tekstong Griego-Romano , Persyano, and Indyano. Ang mga tekstong Griego-Romanong tekstong isinalinwika ng paaralang Kindi ay kinomentuhan, niredakto at nilinang nang makabuluhan ng mga Islamikong intelektuwal, na nakasalig sa mga Persyanong at Indyanong sistemang matematika, dalubtala, alhebra, trigonometriya at medisina.[25] Naglaan ang dinastiyang Samanida sa silangang bahagi ng Persia, Dakilang Khorasan at Gitnang Asya pati na rin ang dinastiyang Buyid sa kanlurang bahagi ng Persia at Iraq ng maunlaring atmospera para sa pagsulong ukol sa pag-aaral at kultura. Sa ilalim ng mga Samanida, naging magkakaribal ang Bukhara at Baghdad sa kabiserang kultural sa mundong Islamiko.[26] Doon, lumago ang pag-aaral ng Qur'an at Hadith. Higit pang nilinang ang pilosopiya, Fiqh, at teolohiya (kalaam), lalo na nila Avicenna at kanyang mga katunggali. Nagbigay sina Al-Razi at Al-Farabi ng pamamaraan at karunungan sa medisina at pilosopiya. Nagkaroon ng akses si Avicenna sa mga dakilang aklatan ng Balkh, Khwarezm, Gorgan, Rey, Isfahan at Hamadan. Ipinapakita ng mga iba't ibang teksto (tulad ng 'Ahd na may Bahmanyar) na nakipagdebate siya sa mga pinakadakilang iskolar sa kasaysayan tungkol sa mga puntong pilosopikal. Inilalarawan ni Aruzi Samarqandi kung paano bago umalis si Avicenna sa Khwarezm nasalubong niya si Al-Biruni (isang tanyag na dalub-agham at dalubtala), Abu Nasr Iraqi (isang kilalang dalubbilang), Abu Sahl Masihi (isang respetadong pilosopo) at Abu al-Khayr Khammar (isang dakilang manggagamot).
Sinasabi ni Robert Wisnovsky, isang iskolar ng Avicenna na konektado sa Pamantasang McGill, na "Naging panggitnang pigura si Avicenna sa mahabang kasaysayan ng mga makatwirang agham sa Islam, lalo na sa mga larangan ng metapisika, lohika at medisina" ngunit ang mga kanyang gawain ay hindi lamang naging maimpluwensya sa mga ganitong "sekular" na larangan ng karunungan mismo, dahil "ang mga ganitong gawain, o mga kabahagi ng mga ito ay binasa, itinuro, kinopya, kinomentuhan, sinipi, pinagpakahulugan at binanggit ng libu-libong iskolar pagkatapos ni Avicenna — hindi lamang mga pilosopo, lohiko, manggagamot at dalubhasa sa mga sipnayang o eksaktong agham, kundi gayundin ng mga espesyalista sa mga takdang-aral ng ʿilm al-kalām (makatwirang teolohiya, ngunit nauunawaan na kasama ang likas na pilosopiya, epistemolohiya at pilosopiya ng isipan) at usūl al-fiqh (palabatasan, ngunit nauunawaan na kasama ang pilosopiya ng batas, pangangatuwiran, at pilosopiya ng wika)."[27]
Kasing-aga ng ika-13 siglo kung kailan inilarawan siya ni Dante Alighieri sa Limbo sa tabi ng mga birtuosong di-Kristiyanong palaisip sa kanyang Divina Commedia tulad nina Virgil, Averroes, Homer, Horace, Ovid, Lucan, Socrates, Platon, at Saladin. Kilala si Avicenna sa Silangan at Kanluran bilang isa sa mga dakilang pigura sa kasaysayang intelektwal. Inilarawan ni George Sarton, ang may-akda ng The History of Science ("Ang Kasaysayan ng Agham"), si Ibn Sīnā bilang "isa sa mga pinakadakilang palaisip at iskolar-medikal sa kasaysayan"[28] at tinawag siya bilang "ang pinakakilalang dalub-agham ng Islam at isa sa mga pinakasikat ng lahat ng lahi, lugar, at panahon." Isa siya sa mga nangunang manunulat ng mundong Islamiko sa larangan ng medisina.
Kasama nina Rhazes, Abulcasis, Ibn al-Nafis, at al-Ibadi, itinuturing si Ibn Sina bilang mahalagang tagatala ng maagang medisinang Muslim. Kilala siya sa Kanluraning kasaysayan ng medisina bilang pangunahing makasaysayang tao na may mga mahalagang ambag sa medisina at Europeong Renasimiyento. Kakaiba ang kanyang mga tekstong panggamot dahil kung saan may kontrobersya sa mga pananaw nina Galen at Aristoteles ukol sa mga bagay na panggamot (tulad ng anatomiya), mas ginusto niyang tumabi kay Aristoteles, at kung kailangan isinapanahon niya ang posisyon ni Aristoteles upang isaalang-alang ang mga pagsusulong pagkatapos ni Aristoteles sa karunungan sa anatomiya.[29] Ibig sabihin ng pangingibaw ng intelektwal na impluwensya ni Aristoteles sa mga edad medyang Europeong iskolar ay pinataas ng pagkonekta ni Avicenna sa mga sulat-panggamot ni Galen at mga sulat-pilosopo ni Aristoteles sa Ang Kanon ng Medisina (kasama ng kanyang komprehensibong at lohikal na organisasyon ng karunungan) ang kahalagahan ni Avicenna sa edad medyang Europa kumpara sa mga ibang Islamikong manunulat ng medisina. Ang kanyang impluwensya kasunod ng pagsalinwika ng Kanon anupat mula noong unang bahagi ng ikalabing-apat hanggang gitnang ikalabing-anim na siglo niranggo siya kasama nina Hipokrates at Galen bilang isa sa mga kilalang awtoridad, princeps medicorum ("prinsipe ng manggagamot").[30]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.