Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Atanasio ng Alehandriya o Athanasius ng Alehandriya (Griyego: Ἀθανάσιος Ἀλεξανδρείας, Athanásios Alexandrías) (b. ca. 296–298 CE – d. 2 Mayo 373 CE), at tinutukoy rin bilang San Atanasio ang Dakila, San Atanasio I ng Alexandria, San Atanasio ang Kumpesor at pangunahin sa Simbahang Koptikong Ortodokso bilang San Atanasio ang Apostoliko, ang ika-20 obispo ng Alexandria. Ang kanyang episkopata ay tumagal ng 45 taon. (c. 8 Hunyo 328 – 2 Mayo 373) na ang higit sa 17 taon ay ginugol sa limang mga pagkakatapon na inutos ng apat na magkakaibang emperador Romano. Siya ay itinuturing na kilalang teologong Kristiyano at pangunahing tagapagtanggol ng Trinitarianismo laban sa Arianismo at isang kilalang pinunong Ehipsiyo noong ika-4 na siglo. Siya ay kilala sa kanyang papael sa alitan kay Arius at Arianismo. Noong 325 sa edad na 27, siya ay nagkaroon ng isang nangungunang papel laban sa mga Arian sa Unang Konsehong Nicaea. Sa panahong ito, siya ay isang deakono at personal na sekretarya ng ika-19 obispo ng Alexandriang si Alexander. Ang Nicaea ay tinipon ni emperador Constantine I noong Mayo-Agosto 325 CE upang tugunan ang posisyon Arian na si Hesus ay ng isang natatanging substansiya mula sa Ama.[1] Noong Hunyo 328 CE sa edad na 30 at tatlong taon pagkatapos ng Nicæa at sa pamamahinga ni Alexander, siya ay naging arsobispo ng Alexandria. Kanyang ipinagpatuloy ang pakikipagalitan sa mga Arian sa natitira ng kanyang buhay at lumahok sa mga pakikibakang teolohikal at pampolitika laban sa mga emperador Dakilang Constantine at Constantius II at mga makapangyarihang at maimpluwensiyal na mga mangangaral na Arian na pinamunuan ni Eusebius ng Nicomedia at iba pa. Siya ay kilala bilang "Athanasius Contra Mundum". Sa loob ng ilang mga taon ng kanyang paglisan, tinawag siya ni Gregoryo ng Nazianzus na Haligi ng Simbahan. Ang kanyang mga kasulatan ay mahusay na isinasaalang alang ng mga ama ng simbahan na sumunod sa kanya sa parehong Kanluran at Silangan. Ang kanyang mga kasulatan ay nagpapakita ng mayamang debosyon sa Salitang-naging-tao, dakilang pagkabahalang pastoral at malalim na interes sa monastisismo.
Atanasio ng Alehandriya | |
---|---|
Papa ng Alehandriya at Doktor ng Simbahan | |
Ipinanganak | mga c. 296–298 Alehanriya, Ehipto |
Namatay | 2 Mayo 373 77) Alehandriyaa, Ehipto | (edad
Benerasyon sa | Roman Catholicism, Oriental Orthodoxy, Eastern Orthodoxy, Lutheranism, Anglican Communion, and among the Continuing Anglican Movement |
Pangunahing dambana | Saint Mark Coptic Orthodox Cathedral in Cairo, Egypt |
Kapistahan | 15 May = 7 Pashons, 89 A.M. (Coptic Orthodox) 2 May (Western Christianity) 18 January (Eastern Orthodox Church) |
Katangian | Obispo na masugid na tagapagtanggol ng Trinidad at pagsalungat sa paniniwala niyang erehiya |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.