Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang astrolohiya[1] ay ang pag-aaral ng mga bituin upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap. Tumutukoy ito sa ilang mga sistema, tradisyon o paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig. Tinatawag ang nagsasanay sa astrolohiya bilang astrologo[1] (nagiging astrologa kung babae) o, hindi gaanong madalas na ginagamit, astrolohista.
Nagmula ang salitang "astrolohiya" mula sa salitang Griyego na αστρολογία, hinango mula sa άστρον, astron, "bituin" at λόγος, logos, na may iba't ibang kahulugan - pangkalahatang may kaugnayan sa "sistematikong pag-iisip o pananalita". Para sa iba,ang astrolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga bituin,planeta at iba pang buntala upang matukoy ang natatagong lihim ng buhay,kapalaran,at katangian ng tao.
Bawat planeta ay may ginagampanang papel sa Astrolohiya. Bagamat ang Araw na isang bituin at ang Buwan na isang satellite gayundin ang Pluto na isang dwarf planet ay hindi mga planeta, Isinasama sila at kinukonsidera na may ginagampanang silang papel sa Astrolohiya at pinapalagay na nakakaimpluwensiya ang mga ito sa buhay ng tao. Sa Tagalog, binibigyan sila ng ibang pangalan upang matukoy ang kahulugan ng bawat planeta.
Ang Araw ay nangangahulugang "init" at "liwanag". Ang Buwan bilang "liwanag sa dilim" Ang Mercury bilang "bilis", Venus bilang "pag-ibig o kagandahan", Mars bilang "tapang", Jupiter bilang "kayamanan at kasaganaan",Saturn bilang "paghihintay" Uranus bilang "pagbabago", Neptune bilang "paglalakbay" at Pluto bilang "kalaliman at kadiliman".
Signo | Bahagi ng Katawan |
---|---|
Aries | Ulo, Mukha (maliban sa ilong), utak |
Taurus | Leeg, Lalamunan, glandulang thyroid o (tiroydeo) |
Gemini | Balikat, braso, kamay, baga, glandulang thymus, mga tubong bronkyal o daanan ng hangin |
Cancer | Dibdib, tiyan |
Leo | Puso, gulugod |
Virgo | Bituka |
Libra | mga Bato at mga obaryo |
Scorpio | ilong at labi, pantog, mga aring sekswal, mga adenoid |
Sagitarius | balakang, mga hita, kalamnan, sciatic nerve |
Capricorn | mga buto at balat |
Aquarius | binti at bukong-bukong, pagdaloy ng dugo, kuryente ng katawan, retina ng mata |
Pisces | Paa, daliri ng paa, glandulang ''lymph'' at glandula sa pawis |
Bawat signo ay may katumbas na planeta upang matukoy ang natatagong kapalaran ng tao,kaugalian at katangian ng tao na iniuugnay sa planeta.
Signo | Makalumang Buntalang Gabay | Makabagong Buntalang Gabay |
---|---|---|
Aries | Mars | Mars |
Taurus | Venus | Venus |
Gemini | Mercury | Mercury |
Cancer | Buwan | Buwan |
Leo | Araw | Araw |
Virgo | Mercury | Mercury |
Libra | Venus | Venus |
Scorpio | Mars | Pluto |
Sagitarius | Jupiter | Jupiter |
Capricorn | Saturn | Saturn |
Aquarius | Saturn | Uranus |
Pisces | Jupiter | Neptune |
Hindi lamang mga zodiako ang may katumbas na planeta, kahit ang mga numero at petsa ng kaarawan may katapat ding planeta. Sa pamamagitan nito, nalalaman kung ano ang buntala o planetang gumagabay sa bawat tao. Halimbawa, ang mga taong ipinanganak sa petsang 9, 18 at 27 anuman ang kanilang sodyako ay ginagabayan ng buntalang si Marte o Mars at may tendensiyang mapalapit sa mga taong isinilang sa mga nasa sodyakong Aries at Scorpio sapagkat pareho silang ginagabayan ng nasabing planeta.
Numero o petsa ng Kaarawan | Katapat na Zodiako | Planetang o buntalang naghahari |
---|---|---|
1,10,19 at 28 | Leo | Araw |
2,11,20 at 29 | Cancer | Buwan |
3,12,21 at 30 | Sagitarius | Jupiter |
4,13,22 at 31 | Aquarius | Uranus |
5,14 at 23 | Gemini at Virgo | Mercury |
6,15 at 24 | Taurus at Libra | Venus |
7,16 at 25 | Pisces | Neptune |
8,17 at 26 | Capricorn | Saturn |
9,18 at 27 | Aries at Scorpio | Mars |
Nahahati ang mga Signo sa apat na elemento at tatlong kalidad.
May iba't ibang teorya ng Kompatibilidad na ginagamit sa Astrolohiya.
Ang Kanluranin o Western,Nakabatay ito sa kasabihang "same feather flock together" sa pamamagitan nito, anumang sodyakong may magkaparehong elemento ay magkakatugma dahil sa pagkakapareho ng ugali at hilig. Halimbawa nito ay ang mga magkaparehong elemento tulad ng Aries, Leo at Sagittarius na parehong taglay ang elementong apoy, ang Taurus,Virgo at Capricorn na nagtataglay ng elementong lupa, ang Gemini, Libra at Aquarius na May elementong hangin at ang Cancer, Scorpio at Pisces na May elementong tubig.
Ang Eastern o Oriental Astrology naman ay nakabatay sa batas ng magnetismo na "opposite poles attract" o sinumang kabaligtaran ng bawat sodyako sa gulong ay siya ang katugma o kaswatong kasama o sa madaling sabi ay pupunuan ng mga magkakasalungat na elemento ang kakulangan ng isang elemento. Halimbawa nito ay ang Aries at Libra, Taurus at Scorpio, Gemini at Sagittarius, Cancer at Capricorn, Leo at Aquarius at Virgo at Pisces. Sa madaling sabi, ang mga elementong apoy ay kasalungat ng elementong hangin at Ang mga elementong lupa ay kasalungat ng elementong tubig na nangangahulugang "kayang patayin o palakasin ng hangin ang apoy" at "kayang diligan ng tubig ang lupa upang maging mataba". Sa paglalarawan para itong pagsasama ng isang taong mapride at isang taong mapagpakumbaba.
Ang Depth Astrology o Malalimang pag-aanalisa ng Astrolohiya ay ang paggamit ng planeta upang matukoy ang kasuwato. Halimbawa nito ay ang Aries at Scorpio na parehong ginagabayan ng Mars, Taurus at Libra na parehong ginagabayan ng planetang Venus, ang Gemini at Virgo na parehong ginagabayan ng planetang Mercury, ang Sagittarius at Pisces na parehong ginagabayan ng planetang Jupiter at ang Capricorn at Aquarius na parehong ginagabayan ng planetang Saturn. Sa pamamagitan nito, dahil sa iisang planeta ang gumagabay sa kanila nagtutugma sila dahil pareho sila ng katangian at kapalaran.
ang Astro-Numerology naman bagamat hindi masasabing isang teorya na ginagamit sa Astrolohiya ngunit nakapaloob dito na magiging malapit ang bawat nilalang na may magkaparehong planeta. Isang halimbawa nito ay ang mga isinilang sa petsang 9, 18 at 27, anuman ang kanilang sodyako ay posibleng mapalapit sa mga isinilang sa sodyakong Aries o/at Scorpio sapagkat iisa ang kanilang gabay na planeta at yun ay ang buntalang Marte o Mars.
Pinaniniwalaan ng sinaunang mga astrologo ang galaw ng araw, buwan, at mga planeta sa kalangitan. Binubuo ang mga unang astrologo ng mga pinunong-pari, na naniniwalang makapagsasabi ng mga maaaring maganap sa hinaharap ng mundo ang mga kilos ng araw, buwan, at mga planeta. Bagaman mali, sinasamba ng mga mamamayan ang mga bituin at mga planeta bilang mga diyos, na nagbunga sa maingat na pag-aaral ng kalangitan at kalawakan. Gumamit ang mga astrologo ng mga tablang pang-astronomiya kaya't nahuhulaan nila kung kailan magaganap ang mga eklipse o paglalaho o paglamlam ng liwanag. Isang bagay ito kung bakit naging mahahalagang kasapi ng pamayanan ang mga astrologo, na nagaangkin din na mayroong silang kapangyarihang masalamangka. Naniniwala rin noon na masamang hudyat ang pagharang ng buwan sa liwanag ng araw, at ang paglagak ng daigdig sa pagitan ng araw at ng buwan. Dahil sa mga sinaunang astrologo, natutunan ng mga tao ang mga tunay na mapaggagamitan ng astronomiya.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.