Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Anna Karenina ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network, na nilikha ni RJ Nuevas.[1] Ito ay pinagbibidahan nina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching. Ito ay kuha sa naunang teleserye noong 1996 sa parehong dramaserye mula sa produksiyon ng "Viva Television" na pinangungunahan nina Antoinette Taus, Sunshine Dizon, Kim delos Santos at Tanya Garcia.
Anna Karenina | |
---|---|
Uri | Romansa Drama, Pamilya |
Gumawa | GMA Entertainment TV Group at Viva Television |
Nagsaayos | RJ Nuevas |
Isinulat ni/nina | Leilani Chavez John Borgy Danao Mary Rose Colindres |
Direktor | Gina Alajar |
Pinangungunahan ni/nina | Krystal Reyes Barbie Forteza Joyce Ching |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Lilybeth Rasonable Rebya Upalda |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 mga minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 3 Hunyo – 20 Setyembre 2013 |
Website | |
Opisyal |
Labinlimang taon na ang nakararaan, ang Safe Haven Home for Unwed Mothers ang naging pansamantalang tahanan ni Maggie matapos siyang itakwil ng mga magulang nang siya'y magdalantao. Dito isinilang ni Maggie ang kaisa-isang anak na babae at apo nina Don Xernan at Doña Carmela Monteclaro, at ipinangalan niya ang sanggol sa pamagat ng paboritong libro ni Doña Carmela - ang Anna Karenina.
Sa kasalukuyan, nais na ng mga Monteclarong mabuo muli ang kanilang pamilya. Subalit, hindi na nila alam kung nasaan ang nawawalang si Maggie. Ang tangi nilang pag-asa ay ang matagpuan ang apong 'di pa nila nakikilala.
Matapos ang isang malawakang paghahanap, tatlong dalagita ang magpapakilalang sila ang nawawalang apo, subalit sino nga ba sa kanila ang tunay na tagapagmana -
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.