Angrogna
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Angrogna (Piamontes: Angreugna, Oksitano: Angruenha) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin sa rehiyon ng Piamonte sa hilagang Italya, na matatagpuan mga 45 kilometro (28 mi) timog-kanluran ng Turin.
Angrogna | ||
---|---|---|
Comune di Angrogna | ||
| ||
Mga koordinado: 44°51′N 7°13′E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Piamonte | |
Kalakhang lungsod | Turin (TO) | |
Mga frazione | Baussan, Martel, Pradeltorno, Serre | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Mario Malan | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 38.88 km2 (15.01 milya kuwadrado) | |
Taas | 782 m (2,566 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 868 | |
• Kapal | 22/km2 (58/milya kuwadrado) | |
Demonym | Angrognino(i) | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 10060 | |
Kodigo sa pagpihit | 0121 |
Ang Angrogna ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Perrero, Prali, Pramollo, San Germano Chisone, Prarostino, Villar Pellice, Bricherasio, Torre Pellice, at Luserna San Giovanni.
Ang lambak ng Angrogna, Val di Angrogna, na matatagpuan sa Alpes Cocios sa pagitan ng Piamonte at Pransiya ay may makasaysayang kahalagahan para sa Simbahang Valdense. Isang makitid na lambak ng Alpino na nagsisimula sa Val Pellice, ang lambak ng Angrogna ay nagtatapos sa nayon ng Pra del Torno na kinalalagyan ng isang Valdenseng sentro ng misyon noong Gitnang Kapanahunan. Dahil sa makitid nito, ang lambak ay isang militar at relihiyosong kanlungan para sa mga Valdense at ang Pra del Torno ay ang sentro ng pakikibaka ng mga Valdense mula ika-13 hanggang ika-18 na siglo. Bilang katibayan ng kanilang mga pag-uusig, mayroon pa ring isang uri ng katakumba na matatagpuan malapit sa nayon ng San Lorenzo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.