From Wikipedia, the free encyclopedia
"Ang Internasyunal" (Pranses: "L'Internationale") ay isang tanyag na makaliwang awitin. Ito ang naging karaniwang awitin sa kilusang sosyalista simula noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon, nang ginawa ito na opisyal na awitin ng Ikalawang Internasyonal. Ang liriko'y nanggagaling sa anarkistang Eugene Pottier, ang tugtog ay nilikha ng Marxistang Pierre De Geyter, at ang pamagat ang nagmula sa Unang Internasyonal, isang alyansa ng mga manggagawa na nagdaos ng isang kongreso noong 1864. Ang awitin ay ginagamit ng mga kilusang anarkista, demokratikong sosyalista, komunista, panlipunang demokratiko, at sosyalista.
Ang lirikong orihinal ay isinulat sa wikang Pranses noong Hunyo 1871 ni Eugene Edine Pottier (dating kasapi ng Komuna ng Paris) at orihinal na nilayon na kantahin sa tono ng "La Marseillaise". Gayunpaman, ang himig kung saan ito'y karaniwang inaawit ay binuo noong 1888 ni Pierre Chrétien De Geyter para sa korong "La Lyre des travailleurs" (Filipino: Ang Lira ng mga Manggagawa) ng Partido ng mga Manggagawang Pranses sa kanyang sariling bayan ng Lille, at unang gumanap doon noong Hulyo ng taong iyon. Inatasan si De Geyter na gawin ito para sa koro ni Gustave Delory, ang noo'y alkalde ng Lille. Ang liriko ni Pottier ay naglaman ng mga linyang naging sikat at nagkaroon ng malawakang gamit bilang mga slogan; ang ibang linya tulad ng "Ni Dieu, ni César, ni tribun" (Filipino: Ni Diyos, si Sesar, o ang tribuno) ay noon pa'y kilala sa kilusan ng mga manggagawa. Ang tagumpay ng kanta ay konektado sa katatagan at malawakang katanyagan ng Ikalawang Internasyonal. Tulad ng liriko, ang musika ni De Geyter ay simple at praktikal na angkop sa madlang manggagawa. Kasakulukuyan itong naglilingkod bilang awitin ng Partido Komunistang Pranses.[1][2][3][4][5][6]
Lirikong Pranses (1887) | Pagsasaling Filipino |
---|---|
Debout, les damnés de la terre |
Bangon, mga sinumpa ng daigdig |
Ang lirikong Ruso ay unang isinalin ni Arkady Yakovlevich Kots noong 1902 at inilimbag sa London sa Zhizn, isang rebistang Ruso. Ang unang bersyon ay binuo ng koro at tatlong saknong batay sa una, ikalawa, at ikaanim na saknong mula sa lirikong Pranses. Pagkatapos ng Himagsikang Oktubre sa Rusya ay bahagyang binago muli ang teksto upang maalis ang "ngayo'y walang lingkod" na mga panahunan sa hinaharap, partikular ang koro. Noong 1918, ang punong editor ng Izvestia na si Yuri Mikhailovich Steklov ay umapela sa mga Rusong manunulat na isalin ang iba pang tatlong saknong, at sa huli ay naipalawak ang awitin sa anim na saknong. Ito ang naging pambansang awit ng Rusong Republikang Sobyetikong Pederatibong Sosyalista noong 1918 hanggang 1922 at ng Unyon ng mga Republikang Sosyalistang Sobyetiko noong 1922 hanggang 1944.[7]
Lirikong Ruso | Transliterasyon | Pagsasaling Filipino |
---|---|---|
Вставай, проклятьем заклеймённый, |
Vstavay, proklyatyem zakleymyonny, |
Bangon, mga sinumpa, |
Ang unang pagsasalin ng Internasyunal sa ilalim ng pamagat na "Pandaigdigang Awit ng Manggagawa" ay ginawa ni Juan Feleo, isang pangunahing kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas-1930. Ang liriko'y kanyang isinalin ay nagmumula sa pagsasaling Ingles na hango sa orihinal na Pranses. Ang ikalawang salin ay ginawa ni Jose Maria Sison, isa sa mga tagapagatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan, at Pambansang Demokratikong Hanay ng Pilipinas. Ang ikatlong sali'y nagkaroon ng kaunting pagbabago sa unang saknong at koro. Nagkaroon din ito ng bagong saknong na hango sa ikaanim na saknong na orihinal ng Pranses. Ang awitin ay kasalukuyang ginagamit ng PKP-1930 at PKP.[8]
Unang Liriko (1930) | Ikalawang Liriko (1969) | Ikatlong Liriko (2003) |
---|---|---|
Bangon sa pagkakagupiling |
Bangon sa pagkakabusabos |
Bangon sa pagkakabusabos |
Internacionale | Интернационалът | La Internacional | Internacionála |
---|---|---|---|
Ngrihuni ju o të munduar |
На крак, о парии презрени, |
Arriba los pobres del mundo |
Již vzhůru psanci této země, |
Die Internationale | Internacionálé | Интернационал |
---|---|---|
Wacht auf, Verdammte dieser Erde, |
Föl, föl, ti rabjai a földnek, |
Босцгоо дарлагдсан ардууд! |
Międzynarodówka | Internaționala | Quốc tế ca |
---|---|---|
Wyklęty powstań, ludu ziemi, |
Sculați, voi oropsiți ai vieții, |
Vùng lên! Hỡi các nô lệ ở thế gian |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.