From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang anahaw o luyong (Livistona rotundifolia) ay isang pabilog na dahon na palma[1] na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas. Ang anahaw ay pinagkukunan ng matigas na kahoy na katulad ng ebony. Ginagamit ang kahoy nito sa paggawa ng mga tungkod at mga pantira ng mga pana.[2]
Saribus rotundifolius | |
---|---|
S rotundifolius in Kolkata, India | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Klado: | Commelinids |
Orden: | Arecales |
Pamilya: | Arecaceae |
Sari: | Saribus |
Espesye: | S. rotundifolius |
Pangalang binomial | |
Saribus rotundifolius (Lam.) Blume | |
Kasingkahulugan | |
Corypha rotundifolia Lam. |
Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.
Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain. Nabawasan ang laki ng mga ligaw na mga halaman dahil sa sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.