diyosa ng araw sa Shinto From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Amaterasu Ōmikami (天照大御神, 天照大神), o Amaterasu sa maikli, kilala rin bilang Ōhirume no Muchi no Kami (大日孁貴神), ay ang diyosa ng araw sa mitolohiyang Hapones. Madalas itinuturing bilang ang pinakamahalagang diyosa (kami) ng panteong Shinto,[1][2][3] inilalarawan din siya sa mga pinakaunang tekstong pampanitikan ng Hapon, ang Kojiki (c. 712 PK) at ang Nihon Shoki (720 PK), bilang pinuno (o isa sa mga pinuno) ng makalangit na dako, Takamagahara, at ang mitikong ninuno ng Bahay Imperyal ng Hapon dahil sa kanyang apo, Ninigi. Kasama ang mga kapatid niya, ang diyos ng buwan, Tsukuyomi, at ang mapusok na diyos ng bagyo, Susanoo, itinuturing siya bilang isa sa mga "Tatlong Mahahalagang Anak" (三貴子, mihashira no uzu no miko / sankishi), ang tatlong pinakaimportanteng anak ng diyos ng paglikha, Izanagi.
Amaterasu | |
---|---|
Diyosa ng araw at sansinukob; ang mitikong ninuno ng Bahay Imperyal ng Hapon | |
Ibang mga pangalan | Amaterasu-Ōmikami (天照大御神, 天照大神) Amaterasu Ōkami (天照大神) Amaterasu Sume(ra) Ōmikami (天照皇大神) Amaterashimasu Sume(ra) Ōmikami (天照坐皇大御神) Amaterasu Ōhirume no Mikoto (天照大日孁尊) Ōhirume no Muchi no Kami (大日孁貴神) Ōhirume no Mikoto (大日孁尊) Hi no Kami (日神) Tsukisakaki Izu no Mitama Amazakaru Mukatsuhime no Mikoto (撞賢木厳之御魂天疎向津媛命) Tenshō Kōtaijin (天照皇大神) Tenshō Daijin (天照大神) |
Planeta | Araw |
Konsorte (Asawa) | Tsukuyomi (ilang mito) |
Mga magulang | Izanagi (Kojiki) Izanagi at Izanami (Nihon Shoki) |
Mga kapatid | Tsukuyomi Susanoo (at iba pa) |
Mga anak | Ame-no-Oshihomimi Ame no Hohi Amatsuhikone Ikutsuhikone Kumanokusubi |
Mga teksto | Kojiki, Nihon Shoki, Sendai Kuji Hongi |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.