From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sulat Balinese, na tinatawag ng mga katutubo na Aksara Bali at Hanacaraka, ay isang abugida na ginagamit sa pulo ng Bali sa Indonesia. Ito ay ginagamit sa pagsulat ng wikang Austronesiyano na Balinese, ang lumang wikang Habanes at ng wikang Sanskrit, na wikang liturgiko sa ng mga Hindu sa Bali. Sa paglalagay ng ilang pagbabago, ginagamit din ito sa wikang Sasak, na sinasalita sa kalapit na pulo ng Lombok. Ang sistemang panulat ay nanggaling sa panulat na Brahmi kagaya ng maraming sistemang panulat sa Timog at Timog-silangang Asya. Ang Sulat Balinese, kasama ng Sulat Habanes ay itinuturing na pinakamadibuho at mapalamuti sa mga panulat na Brahmic sa Timog-silangang Asya.
Aksarâ Bali Aksaré Bali ᬅᬓ᭄ᬱᬭᬩᬮᬶ | |
---|---|
Uri | Abugida |
Mga wika | Balines Sasak |
Panahon | c. 1000–kasalukuyan |
Mga magulang na sistema |
Proto-Sinaitiko[a]
|
Mga kapatid na sistema | Batak Baybayin Habanes Lontara Lumang Sundanes Rencong Rejang |
ISO 15924 | Bali, 360 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Balinese |
Lawak ng Unicode | U+1B00–U+1B7F |
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Ang pang-araw-araw na ginagamit na panulat sa Bali ay ang alpabetong Latin ngunit ang Sulat Balinese ay pinapahalagahan pa rin at karaniwang makikita ssa mga tradisyonal na seremonya at karaniwang iniuugnay sa pananampalatayang Hindu. Ang panulat ay karaniwang ginagamit ngayon sa pagtulad ng mga lontar o palm leaf manuscripts na naglalaman ng mga sulating panrelihiyon.
Mayroong 47 na titik ang Sulat Balinese. Bawat titik ay kumakatawan sa isang pantig na may likas na patinig na maaaring /a/ o /ə/ sa dulo ng bawat pangungusap. Ito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng mga kudlit o diacritics. Ang taal na Balinese ay maaaring isulat gamit lamang ang 18 katinig at 9 na patinig, habang ang mga salin at hiram na salita mula sa Sanskrit at lumang Habanes ay kinakailangan ang kabuuang 47 na titik. May mga dagdag ding titik para sa pagsulat ng wikang Sasak. Ang bawat katinig ay may anyong pangkabit-kabit na tinatawag na gantungan na nagpapawalang saysay sa likas na patinig ng naunang pantig.
Ang mga bantas ay ang tuldok, kuwit at tutuldok, kasama rin ang ilang mga bantas para sa pagsisimula at pagtatapos ng isang talata. May notang ginagamit sa musika na kamukha ng mga kudlit at titik. Ito ay isinusulat nang mula kaliwa pakanan nang walang pagitan ang mga salita (Scriptio continua).[1]
Mayroon ding tinatawag na mga "Banal na titik o aksara modre na makikita sa mga sulating panrelihiyo at mga anting-anting. Ang karamihan sa mga titik ay sinusulat kasama ang kudlit na ulu candra.
Ang mga titik sa Balinese ay tinatawag na aksara (ᬅᬓ᭄ᬱᬭ), at bawat isang titik ay kumakatawan sa isang pantig na may likas na patinig na /a/.
Ang mga katinig ay tinatawag na wianjana (ᬯ᭄ᬬᬦ᭄ᬚᬦ). Mayroong 33 katinig sa Balinese ngunit 18 lamang na tinatawag na wreṣāstra (ᬯᬺᬱᬵᬲ᭄ᬢ᭄ᬭ) ang ginagamit sa pagsulat ng wikang Balinese. Ang natitirang mga titik ay ginagamit sa pagsulat ng mga salitang hiniram mula sa Sanskrit at Kawi.
Aksara wianjana (Katinig) | ||||||||
Warga (Place of articulation) |
Pancawalimukha | Ardhasuara (Semivowels) |
Usma (Fricatives) |
Wisarga | ||||
Di-nakaboses | Nakaboses | Galing sa ilong | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Kanthya (Guttural) |
(Ka) Ka1 |
(Kha) Ka mahaprana |
(Ga) Ga1 |
(Gha) Ga gora |
(Nga) Nga1 |
(Ha) Ha12 | ||
Talawya (Palatal) |
(Ca) Ca murca1 |
(Cha) Ca laca3 |
(Ja) Ja1 |
(Jha) Ja jera |
(Nya) Nya1 |
(Ya) Ya1 |
(Śa) Sa saga | |
Murdhanya (Retroflex) |
(Ṭa) Ta latik |
(Ṭha) Ta latik m.5 |
(Ḍa) Da murda a.4 |
(Ḍha) Da murda m.5 |
(Ṇa) Na rambat |
(Ra) Ra1 |
(Ṣa) Sa sapa | |
Dantya (Dental) |
(Ta) Ta1 |
(Tha) Ta tawa |
(Da) Da lindung1 |
(Dha) Da madu |
(Na) Na kojong1 |
(La) La1 |
(Sa) Sa danti16 | |
Osthya (Labial) |
(Pa) Pa1 |
(Pha) Pa kapal |
(Ba) Ba1 |
or (Bha) Ba kembang7 |
(Ma) Ma1 |
(Wa) Wa1 |
Ang mga patinig na tinatawag na suara (ᬲ᭄ᬯᬭ), ay maaaring isulat bilang mga solong titik kung sila'y nasa unahan ng salita. Ang mga sumusunod ang mga patinig:
Aksara suara (Patinig) | |||||||
Warga (Place of articulation) |
Aksara suara hresua (Maikiling patinig) |
Name | Aksara suara dirgha (Mahabang patinig) | ||||
Simbolo | Transliterasiyon | IPA | Simbolo | Transliterasiyon | IPA | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Kantya (Guttural) |
A | [a] | A kara | Ā | [ɑː] | ||
Talawya (Palatal) |
I | [i] | I kara | Ī | [iː] | ||
Murdhanya (Retroflex) |
Ṛ | [ɹ̩] | Ra repa | Ṝ | [ɹ̩ː] | ||
Dantya (Dental) |
Ḷ | [l̩] | La lenga | Ḹ | [l̩ː] | ||
Osthya (Labial) |
U | [u] | U kara | Ū | [uː] | ||
Kanthya-talawya (Palato-guttural) |
E | [e]; [ɛ] | E kara (E) Airsanya (Ai) |
Ai | [aːi] | ||
Kanthya-osthya (Labio-guttural) |
O | [o]; [ɔ] | O kara | Au | [aːu] |
Ang adeg-adeg ay di maaaring gamitin sa gitna ng pangungusap kaya't ang mga gantungan o mga nakalakip na titik ang ginagamit para mapawalang saysay ang patinig. Ang bawat katinig ay may katumbas na anyong gantungan. Ito'y nagpapawalang saysay sa patinig ng titik na pinagkakabitan nito. Halimbawa, kung ang "na" ay may gantungan na "da", ito ay bibigkasing "nda".
Gantungan and pangangge (diacritic) Ang gantungan at ang pangangge o kudlit ay maaaring magkasama sa iisang titik. Ngunit di maaari ang paglalagay ng dalawa o higit pang gantungan sa iisang titik. Ito ay tinatawag na tumpuk telu (tatlong patong). Ang adeg-adeg ay maaaring gamitin sa gitna ng pangungusap para iwasan ang ganitong kaganapan.
Ang mga anyo ng gantungan ay ang sumusunod:
Gantungan/Gempelan | ||||||||
Warga (Place of articulation) |
Pancawalimukha | Ardhasuara (Semivowels) |
Usma (Fricatives) |
Wisarga | ||||
Unvoiced | Voiced | Nasal | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Kanthya (Guttural) |
Ka | Ka mahaprana | Ga | Ga gora | Nga | Ha | ||
Talawya (Palatal) |
Ca murca | Ca laca | Ja | Ja jera | Nya | Ya | Sa saga | |
Murdhanya (Retroflex) |
Ta latik | Ta latik m. | Da madu a. | Da madu m. | Na rambat | Ra | Sa sapa | |
Dantya (Dental) |
Ta | Ta tawa | Da lindung | Da madu | Na kojong | La | Sa danti | |
'Osthya (Labial) |
Ba | Ba kembang | Pa | Pa kapal | Ma | Wa |
Ang mga kudlit o pangangge, (binibigkas na /pəŋaŋɡe/), at tinatawag ding sandhangan kung tinutukoy ang Sulat Habanes ay mga tanda na di maaaring isulat nang walang kasamang katinig. Kung sila'y ikakabit sa katinig, nababago nila ang bigkas dito. Ang tatlong uri ng kudlit ay ang pangangge suara, pangangge tengenan (binibigkas na /t̪əŋənan/) at ang pangangge aksara.
Kung ang katinig ay may pangangge suara, ang likas na patinig nito ay nababago. Halimbawa, ang titik na "na" na nilagyan ng "ulu" ay magiging "ni", ang "ka" na nilagyan ng "suku" ay magiging "ku". Ang mga kudlit ay sinipi sa susunod na talaan:
Pangangge suara | |||||
Warga (Place of articulation) |
Simbolo | Transliterasiyon | IPA | Pangalan | |
---|---|---|---|---|---|
Kanthya (Guttural) |
ě | [ə] | Pepet | ||
ā | [ɑː] | Tedung | |||
Talawya (Palatal) |
i | [i] | Ulu | ||
ī | [iː] | Ulu sari | |||
Osthya (Labial) |
u | [u] | Suku | ||
ū | [uː] | Suku ilut | |||
Kanthya-talawya (Palato-guttural) |
é | [e]; [ɛ] | Taling | ||
ai | [aːi] | Taling detya | |||
Kanthya-osthya (Labio-guttural) |
o | [o]; [ɔ] | Taling tedung | ||
au | [aːu] | Taling detya matedung |
Ang Pangangge tengenan, maliban sa adeg-adeg, ay nagdadagdag ng panghuling katinig sa dulo ng pantig. Maaari itong gamitin kasama ng pangangge suara. Halimbawa, kung ang titik na "na" na nilagyan ng "bisah" ay nagiging "nah"; ang "ka" na may "suku" at nilagyan din ng "surang" ay nagiging "kur". Ang adeg-adeg ay nagpapawalang saysay sa likas na patinig na "a" ng mga titik na katinig. Kung ihahambing sa Sulat Devanagari, ang "bisah" ay katumbas ng "visarga", ang "cecek"ay sa "anusvara" at ang "adeg-adeg" ay sa "virama".
Symbol | Pronunciation | Name |
---|---|---|
/h/ | Bisah | |
/r/ | Surang | |
/ŋ/ | Cecek | |
- | Adeg-adeg |
Ang Pangangge aksara ay ikinakabit sa ilalim ng mga titik na katinig. Ang Pangangge aksara ang anyong nakakabit o "gantungan" ng mga titik na tinatawag na ardhasuara o "semivowel". Ang Guwung macelek naman ay ang ang anyong nakakabit ng patinig na ra repa.
Simbolo | Bigkas | Pangalan |
---|---|---|
/ra/ | Cakra/Guwung | |
/rə/ | Guwung macelek | |
/ʋa/ | Suku kembung | |
/ja/ | Nania |
Ang mga bilang na Balinese ay kahalintulad ng pagsusulat ng mga bilang na Hindu. Halimbawa, ang bilang na 25 ay isusulat lamang gamit ang mga katumbas ng 2 at 5 sa Balinese. Kung ang bilang ay nakasulat sa pagitan ng mga titik, kailangang isulat muna ang "carik" bago at pagkatapos ng bilang para pag-ibahin ang mga ito sa mga titik.
Pambilang Balinese | Pambilang Hindu | Pangalan | Pambilang Balinese | Pambilang Hindu | Pangalan | |
---|---|---|---|---|---|---|
0 | Bindu/Windu | 5 | Lima | |||
1 | Siki/Besik | 6 | Nem | |||
2 | Kalih/Dua | 7 | Pitu | |||
3 | Tiga/Telu | 8 | Kutus | |||
4 | Papat | 9 | Sanga/Sia |
Ang nasa baba ay kung paano isinusulat ang petsa sa Balinese gamit ang mga bilang na Balinese. (petsa: 1 Hulyo 1982, lokasyon: Bali):
Panulat na Balinese | Transliterasiyon |
---|---|
Bali, 1 Hulyo 1982. |
May ilan pang mga tanda ginagamit sa Sulat Balinese. Ang ilan dito ay mga bantas at ang ilan naman ay ginagamit sa mga sulating panrelihiyon.
Simbolo | Pangalan | Mga puna |
---|---|---|
Carik or Carik Siki. | Sinusulat sa gitna ng pangungusap, katulad ng kuwit (,). Gayundin, sinusulat sa paligid ng pambilang upang ipagkaiba sa ibang teksto. | |
Carik Kalih or Carik Pareren | Sinusulat sa dulo ng pangungusap, tulad ng tuldok (.). | |
Carik pamungkah | Gumagana tulad ng isang tutuldok (:). | |
Pasalinan | Ginagamit sa dulo ng isang prosa, sulat o taludtod. | |
Panten o Panti | Ginagamit sa simula ng isang prosa, sulat o taludtod. | |
Pamada | Ginagamit sa simula ng tekstong pang-relihiyon. Ang simbolong ito ay pang-angkop sa mga titik na ma, nga, ja, and pa, na binubuo ang salitang mangajapa, na nangangahulugang "pagdasal para sa kaligtasan". | |
Ongkara | Banal na simbolo para sa Hinduismo. Binibigkas ang simbolong ito bilang "Ong" o "Om". |
Ang Sulat Balinese ay idinagdag sa Pamantayang Unicode noong Hulyo, 2006 at inilabas bilang bersyong 5.0.
Ang Unicode block para sa Balinese ay U+1B00–U+1B7F:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.