From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Aishwarya Rajesh (ipinanganak noong 10 Enero 1990) ay isang artistang Indiyano na lumalabas sa mga pelikulang Tamil, kasama ang mga pelikulang Telugu at Malayalam. Nakatanggap siya ng apat na SIIMA Award, isang Filmfare Award South at isang Tamil Nadu State Film Award.
Nagsimula ang karera ni Aishwarya bilang tagapagtanghal sa telebisyon sa komedyang palabas na tinatawag na Asatha Povathu Yaaru? sa Sun TV. Pagkatapos manalo sa reality show na Maanada Mayilada, una siyang lumabas sa Neethana Avan (2010)[1] at tumanyag pagkatapos lumabas sa Attakathi (2012)[2] na gumanap bilang si Amudha. Natanggap niya ang parangal para sa Pinakamahusay na Aktres sa Tamil Nadu State Film Award para pelikula noong 2014 na Kaaka Muttai noong gabi ng parangal ng Tamil Nadu State Film Awards.[3] Nakuha niya ang dalawang pambihirang tagumpay niya sa pag-arte nang gumanap siya bilang Padma sa Vada Chennai (2018) ni Vetrimaaran kasama si Dhanush at bilang Kousalya Murugesan, isang babae na naglalaro ng kriket, sa kanyang solong pelikula na Kanaa (2018).[4][5]
Jomonte Suvisheshangal (2017) ang kanyang unang pelikulang Malayalam kasama si Dulquer Salmaan.[6] Una namang siyang lumabas sa pelikulang Hindi noong 2017 sa pelikulang Daddy kasama si Arjun Rampal.[7] Kousalya Krishnamurthy (2019), na isang muling paggawa ng kanyang pelikula noong 2018 na Kanaa ang kanya namang unang pelikulang Telugu.[8]
Ipinanganak si Aishwarya Rajesh noong 10 Enero 1990 sa isang pamilyang Telugu sa Chennai (na kilala noon bilang Madras).[9][10] Isang artista ng pelikulang Telugu ang kanyang ama na si Rajesh.[11][12] Namatay ang kanyang ama noong 8 taong gulang si Aishwarya.[13] Artista din ang kanyang lolo na si Amarnath,[12] habang komedyante naman ang kanyang tiyahin na si Sri Lakshmi, na may higit sa 500 pelikulang nagawa.[13] Siya ang bunso sa apat na magkakapatid, na namatay ang dalawa niyang kuya noong tinedyer pa lamang siya.[14]
Nag-aral siya sa Shrine Vailankanni, Chennai, Sree Vidyanikethan International School, Tirupati, at Holy Angels Anglo Indian Higher Secondary School, Chennai.[15] Noong 1996, lumabas siya bilang bata sa pelikulang Telugu na Rambantu.[16]
Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Ethiraj para sa Kababaihan sa Chennai at nagtapos sa digri na B.Com.[17] Nagsimula siyang matutong magsayaw simula noong kinailangan niyang ikoreograpo ang isang palabas sa entablado para sa isang pangkalinangang pista at sa kalaunan, pumasok sa reality show na Maanada Mayilada sa Kalaignar TV. Nanalo siya sa ikatlong yugto (o season) ng palabas at inalok na gumanap sa mga pelikula simula noon.[13]
Noong mga maagang yugto ng kanyang karera, nagtrabaho si Aishwarya bilang tagapagtanghal sa mga set ng palabas sa telebisyon na Asathapovathu Yaaru.[18] Noong 2010 naman ang kanyang unang palabas sa pelikula sa Neethana Avan, na isang pelikulang Tamil, at noong 2014, nakita siyang kasama ni Vijay Sethupathi sa dalawang pelikula, ang Rummy at Pannaiyarum Padminiyum, na nilabas sa loob ng dalawang linggo. Habang ang unang pelikula ay isang dramang pangnayon na noong dekada 1980 ang tagpuan, ang sumunod naman ay batay sa isang maikling pelikula na may kaparehong pangalan, at umiinog sa isang matandang lalaki at kanyang antigong kotse na Premier Padmini.[19][20] Pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap, lalo na sa Rummy.[21][22] Sinulat ng Hindustan Times na "labis na gumaganda ang karera" ("extremely promising") niya[23] habang binanggit ng kritiko ng pelikula na si Baradwaj Rangan na "mapagpahayag" (expressive") siya, at tinawag siyang "isang tonikong pampasigla na itinataboy ng mga alabastrong automata na madalas nating nakukuha sa bidang babae."[24][25] Sa kalaunan ng taong iyon, lumabas siya sa isang sekwensya ng awitin sa Kathai Thiraikathai Vasanam Iyakkam ni R. Parthiepan at bilang bidang babae sa Thirudan Police.[26] Noong Abril 2014, nagsimula siyang masangkot sa pagsasagawa ng pelikulang Idam Porul Yaeval ni Seenu Ramasamy, subalit hindi pa naipapalabas ang pelikula noong Mayo 2020.[27]
Ang kanyang unang paglabas noong 2015 ay sa Kaaka Muttai. Pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap bilang isang taong naninirahan sa pook ng mga dukha at ina ng dalawang anak. Sinulat ni Baradwaj Rangan na "tinatanghal nito ang nakamamanghang pagganap mula sa lahat...lalo na kay Aishwarya Rajesh, na gumanap bilang ina ng kanyang mga anak sa isang mundong may kapaguran na pinasinungalingan ang kanyang mga taon."[28] Ipinahayag ng ibang mga tagasuri na "napakahusay" niya,[29] ginampanan niya ang kanyang papel "na may pambihirang kadalian"[30] at "iiwan ka niyang namangha."[31][32] Sa taon din na iyon, nangyari ang una niyang paglabas sa entablado, na ginampanan ang papel na Cinderella mula sa parehong pamagat na kuwento tungkol sa mga engkantada na inangkop bilang isang "dramang musikal na sayaw."[33][34]
Si Aishwarya ang artistang Tamil na may pinakamaraming paglabas noong 2016 sa kabuuang 8 pelikula na kabilang sa pumatok sa takilya ang Aarathu Sinam, Hello Naan Pei Pesuren, Manithan at Dharma Durai. Kritikal na pinahalagaan siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Dharma Durai at Kuttrame Thandanai, kung saan nakipagtulungan siya sa direktor ng Kaaka Muttai na si Manikandan. Una siyang pinipili para sa pag-arte sa mga pagganap ng nakatuong papel sa industriya. Noong 2017, pumasok si Aishwarya sa mga pelikulang Malayalam at umarte sa dalawang pelikulang matagumpay sa takilya at kritiko, ang mga pelikulang Jomonte Suvisheshangal at Sakhhavu. Batay sa kanyang pagganap sa Kaaka Muttai, pinili ni Arjun Rampal si Aishwarya sa mapaghamong papel na Zubeida para sa pelikulang Daddy. Dahil dito, nangyari ang unang paglabas ni Aishwarya sa Hindi at kinilala para sa kanyang pagganap sa kanyang unang pelikulang Hindi.[35][36][37][38] Noong 2018, nakumpleto niya ang shooting para sa Idhu Vedhalam Sollum Kathai. Hindi pa naipapalabas ang pelikula noong Abril 2020.[39]
Bumida siya sa kanyang solong pelikula bilang isang manlalaro ng kriket sa Kanaa sa ilalim ng produksyon ni Sivakarthikeyan.[40] Muli niyang ginampanan niya ang kanyang papel sa muling pagsasagawa ng pelikulang Kousalya Krishnamurthy sa Telugu, na minarkahan ang kanyang unang bidang pagganap sa Telugu.[41] Bumida din siya sa mga pelikulang Namma Veettu Pillai at Vaanam Kottatum bilang kapatid.[42][43] Ginampanan niya ang isang magandang dilag ng nayon sa World Famous Lover.[44] Ginampanan niya ang isang babae na nawalan ng asawa sa Dubai sa pelikulang Ka Pae Ranasingam. Tungkol sa kanyang pagganap, binanggit ng isang kritiko na "Isang paghahayag si Aishwarya Rajesh. Pinapakita niya ang kawalan ng pag-asa, kawalan ng kapangyarihan, kahinaan, tapang at pagpupunyagi na may kadalian at kahanga-hangang paniniwala."[45]
Noong 2020, naging parte siya ng nabinbin na proyekto ni Gautham Menon na Dhruva Natchathiram. Napasali siya sa muling pagsasagawa ng Mundhanai Mudichu.[46] Noong 2021, nasangkot siya sa paggawa ng pelikulang Driver Jamuna.[47]
Pinapahawatig ang mga pelikula na hindi pa naipapalabas |
Taon | Pamagat | Ginampanan | Wika | Mga pananda | Sang. |
---|---|---|---|---|---|
1996 | Rambantu | Aishwarya | Telugu | Batang artista | [16] |
2010 | Neethana Avan | Nandhini | Tamil | Unang paglabas sa Tamil | |
2011 | Avargalum Ivargalum | Swetha | Tamil | ||
Uyarthiru 420 | Charu | Tamil | |||
Sattapadi Kutram | Sumathi | Tamil | |||
2012 | Vilayada Vaa | Anu | Tamil | ||
Attakathi | Amudha | Tamil | |||
Aachariyangal | Anu | Tamil | |||
2013 | Puthagam | Thara | Tamil | ||
2014 | Rummy | Sornam | Tamil | ||
Pannaiyarum Padminiyum | Malarvizhi | Tamil | |||
Kathai Thiraikathai Vasanam Iyakkam | Kanyang sarili | Tamil | Natatanging pagpapakita | ||
Thirudan Police | Poornima | Tamil | |||
2015 | Kaaka Muttai | Ang bidang ina ng kanyang anak | Tamil | ||
2016 | Aarathu Sinam | Mia | Tamil | ||
Hello Naan Pei Pesuren | Kavitha | Tamil | |||
Manithan | Jennifer | Tamil | |||
Dharma Durai | Anbuselvi | Tamil | |||
Kuttrame Thandanai | Swetha | Tamil | |||
Kadalai | Kalai | Tamil | |||
Parandhu Sella Vaa | Madhavi | Tamil | |||
Mo | Priya | Tamil | |||
2017 | Jomonte Suvisheshangal | Vaidhehi | Malayalam | Unang paglabas sa Malayalam | |
Mupparimanam | Kanyang sarili | Tamil | Kameyong pagpapakita | ||
Kattappava Kaanom | Meena | Tamil | |||
Sakhhavu | Janaki | Malayalam | |||
Gemini Ganeshanum Suruli Raajanum | Pooja | Tamil | |||
Daddy | Zubeida Mujawar / Asha Gawli | Hindi | Unang paglabas sa Hindi | ||
2018 | Lakshmi | Nandhini | Tamil | ||
Saamy 2 | Bhuvana | Tamil | |||
Chekka Chivantha Vaanam | Renuka Thyagarajan | Tamil | |||
Vada Chennai | Padma | Tamil | |||
Kanaa | Kousalya Murugesan | Tamil | |||
2019 | Vilambaram | Aishwarya | Tamil | ||
The Lion King | Nala (boses) | Tamil | Bersyong naka-dub | [48] | |
Kousalya Krishnamurthy | Kousalya Krishnamurthy | Telugu | Unang paglabas sa Telugu sa isang pangunahing pagganap | ||
Mei | Uthra | Tamil | |||
Namma Veettu Pillai | Thulasi | Tamil | |||
Mismatch | Mahalakshmi | Telugu | |||
2020 | Vaanam Kottatum | Mangai | Tamil | ||
World Famous Lover | Suvarna | Telugu | |||
Ka Pae Ranasingam | Ariyanachi | Tamil | |||
2021 | Thittam Irandu | Athira | Tamil | [49] | |
Boomika | Samyuktha Gowtham | Tamil | [50] | ||
Tuck Jagadish | Chandra | Telugu | [51] | ||
Republic | Myra Hanson | Telugu | [52] | ||
Driver Jamuna | iaanunsyo | Tamil | Ginagawa pa lamang ang pelikula | [47] | |
Mohandas | iaanunsyo | Tamil | Ginagawa pa lamang ang pelikula | [53] | |
I-aanusyo pa | Wala pang pangalan na muling pagsasagawa ng The Great Indian Kitchen | iaanunsyo | Tamil | Bilingguwal; ginagawa pa lamang ang pelikula | [54] |
Telugu | |||||
Dhruva Natchathiram | Ragini | Tamil | Nabinbin | ||
Taon | Pamagat | Kasamang artista | Direktor | Sang. |
---|---|---|---|---|
2018 | Bodhai Kodhai | Atharvaa | Gautham Menon | [55] |
Taon | Pamagat | Ginampanan | Telebisyon |
---|---|---|---|
2021 | Kanni Theevu Ullasa Ulagam 2.0 | Pagpapakita bilang bisita | Colors Tamil |
2007 | Asathapovathu yaru | Tagapagtanghal | Sun TV |
Taon | Parangal | Kategorya | Pamagat | Resulta | Sang. |
---|---|---|---|---|---|
2015 | Ika-63 Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Kaaka Muttai | Nominado | |
Edison Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Nominado | |||
2016 | Ika-5 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Nominado | ||
Unang IIFA Utsavam | Pagganap sa isang Pansuportang Papel - Babae | Nominado | |||
Norway Tamil Film Festival Awards | Pinakamahusay na Aktres | Nanalo | |||
2017 | Ika-64 na Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres sa isang Pansuportang Pagganap | Dharmadurai | Nominado | |
Ika-6 na South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres sa isang Pansuportang Pagganap – Tamil | Nanalo | |||
Tamil Nadu State Film Awards | Pinakamahusay na Aktres | Kaaka Muttai | Nanalo | [56] | |
Asiavision Awards | Pinakamahusay na Aktres – Maramihang wika | Pangkalahatan | Nanalo | ||
2018 | Ika-65 Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Pansuportang Aktres – Malayalam | Jomonte Suvisheshangal | Nominado | |
2019 | Ananda Vikatan Cinema Awards | Pinakamahusay na Aktres | Kanaa | Nominado | |
Edison Awards | Batang Aktres na Nagbibigay ng Inspirasyon | Kanaa | Nanalo | ||
Edison Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Nominado | |||
Ika-8 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Kanaa | Nominado | ||
Ika-8 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres (Mga Kritiko) – Tamil | Nanalo | |||
Ika-66 na Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres - Tamil | Nominado | |||
Ika-66 na Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres (Mga Kritiko) - Tamil | Nanalo | |||
2020 | Zee Cine Awards Tamil | Pinakamahusay na Aktor - Babae | Nanalo | ||
Ananda Vikatan Cinema Awards | Pinakamahusay na Pansuportang aktres | Namma Veettu Pillai | Nominado | ||
Norway Tamil Film Festival Awards | Pinakamahusay na Pansuportang Aktres | Nanalo | [57] | ||
2021 | Ika-10 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres (Mga Kritiko) – Telugu | World Famous Lover | Nanalo | [58] |
Pinakamahusay na Aktres – Telugu | World Famous Lover | Nominado | |||
Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Ka Pae Ranasingam | Nanalo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.