Ang 7 (pito o siyete)[1] ay isang bilang, pamilang, at ang pangalan ng glipong sinasalarawan ng bilang na iyon. Ito ang likas na bilang na pagkatapos ng 6 at bago ng 8. Ang Romanong pamilang ay VII.
- Para sa ibang gamit, tingnan 7 (paglilinaw).
|
Paulat |
7 pito siyete |
Ordinal |
ika-7 ikapito pampito |
Sistemang pamilang |
septenary |
Pagbubungkagin (Factorization) |
lantay |
Mga pahati |
1, 7 |
Pamilang Romano |
VII |
Represantasyong Unicode ng pamilang Romano |
Ⅶ, ⅶ |
Binary |
111 |
Octal |
7 |
Duodecimal |
7 |
Hexadecimal |
7 |
Hebreo | ז (Zayin) |
Sa pananampalataya, ayon sa paliwanag ni Jose Abriol, isang bilang na banal ang pito. Sa Aklat ng Henesis (Hen 21:30) sa Lumang ng Tipan ng Bibliya, tinanggap ni Abimelec ang pitong tupang babae upang kilalanin na ang isang na balon na pag-aari ni Abraham.[2]
- Pito, ang pang-apat na pangunahing bilang, ay hindi lamang isang primong Mersenne (dahil 23 − 1 = 7) ito rin ay isang dobleng primong Mersenne, sapagkat ang eksponente (o paulit) na 3 ay sa sarili nito isang primong Mersenne.
- Ito rin ay isang primong Newman–Shanks–Williams, primong Woodall, primong paktoryal, primong buwenas (numerong buwenas), primong masaya (numerong masaya), primong ligtas, at ang pang-apat na numerong Heegner.
- Pito ay ang pinakamababa na likas na bilang na ay hindi mailarawan bilang ang kabuuan (Ingles: sum) sa mga kwadrado ng tatlong buumbilang (Ingles: integer).
- Pito ay ang kabuuang elikwot ng isang numero, ang numerong kubiko na 8 at ay ang base ng punong 7-elikwot.
- 7 ay ang tanging numerong D na kung saan ang tumbasan (English: equation) na 2n − D = x2 ay may higit pa sa dalawang solusyon para sa n at x natural. Partikular, ang tumbasang 2n − 7 = x2 ay kilala rin bilang tumbasang Ramanujan–Nagell.
- 7 ay naiisang dimensiyon, labas sa pamilyar na 3, na kung saan ang isang produktong krus ay maaaring matukoy.
- 7 ay pinakamababang dimensiyon sa isang batid na sperong eksotik, bagamat maaaring may umiiral na sa ngayon ay hindi pa nakilalang maayos na istrakturang eksotik na nasa esperong 4-dimensiyonal.
- 999,999 hahatiin sa 7 ay eksaktong 142,857. Samakatuwid, kapag ang isang praksiyong bulgar na may 7 bilang denominador ay ipinapalitan sa isang pagpalawak ng desimal, ang resulta ay parehong anim-tambilang (English: six-digit) paulit-ulit na pagkakasunud-sunod pagkatapos sa tuldok-desimal, ngunit ang pagsusunud-sunod nito ay maaaring magsimula anuman sa anim na tambilang na iyon. Halimbawa, 1/7 = 0.142857 142857... at 2/7 = 0.285714 285714....
- Sa katunayan, kung isinaayos ang mga tambilang ng numerong 142,857 sa kaayosang pataas (English: ascending order), 124578, posibleng malaman ang kung alin sa mga tambilan ang parteng desimal ng numero ay magsisimula. Ang labis sa pag-hati (English: divide) ng kahit anong numero sa 7 ay magbibigay ng posisyon sa pagkakasunud-sunod (English: sequence) na 124578, na kung saan ang parteng desimal sa rumeresultang numero ay nagsisimula. Halimbawa, 628 ÷ 7 = 89 5/7; dito ang labis ay 5, at tumutugon ito sa numerong 7 sa pag-raranggo ng sekwens na pataas. Sa kasong ito, 628 ÷ 7 = 89.714285. Isa pang halimbawa, 5238 ÷ 7 = 748 2/7. Samakatuwid, ang labis ay 2 at ito'y tumutugon sa numerong 7 sa pagkakasunud-sunod. Sa kasong ito, 5238 ÷ 7 = 748.285714.
- Ang isang hugis na may pitong panig ay tinatawag na heptagon. Ang regular na mga n-gon para sa n ≤ 6 ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng konstruksiyong compass-at-straightedge lamang, ngunit ang regular na heptagon ay hindi. Mga numerong humuhugis na naglalarawan ng heptagon ay tinatawag na numerong heptagonal
Ang lathalaing ito na tungkol sa Bilang ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.