From Wikipedia, the free encyclopedia
Nagsimula ang ika-5 dantaon BC noong unang araw ng 500 BC at nagtapos noong huling araw ng 401 BC.
Nakita ng siglong ito ang pagkatatag ng Pataliputra bilang isang kabisera ng Imperyong Magadha. Ang lungsod na ito ay magiging naghaharing kabisera ng iba't ibang mga kaharian ng Indya sa loob ng halos isang libong taon. Nakita ng panahon na ito ang dalawang pampilosopiyang paaralan sa silangan, ang Jainismo at Budismo. Nakita ng panahon na ito ang pagkalat nina Mahavira at Buddha na kani-kanilang mga katuruan sa hilagang kapatagan ng Indya. Mahalagang binago nito ang dinamikang sosyo-kultural at pampolitika ng rehiyon sa Timog Asya. Kalaunang magiging isa sa mga pangunahing relihiyon sa sanlibutan ang Budismo.
Nakita rin ng panahon na ito ang gawa ni Yaska, na nilikha ang Nirukta, na ilalagay ang batong pundasyon para sa balarilang Sanskrit at ito ang isa sa mga pinakalumang mga gawa sa balarila na nakilala ng sangkatauhan.
Tradisyunal na kinikilala ang siglo na ito bilang ang klasikong panahon ng mga Griyego, na mapapagtuloy hanggang sa ika-4 na dantaon BC hanggang sa panahon ni Alejandrong Dakila. Kinatawan ang buhay ni Socrates ng isang pangunahing punto sa pilosopiyang Griyego bagaman nanatili lamang ang kanyang mga katuruan sa pamamagitan ng kanyang mga mag-aaral, mas kapansin-pansin sina Plato at Xenophon. Ang mga trahikong sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides, at gayon din ang komedyanteng si Aristophanes, na pinetsahan mula sa panahong ito, at marami sa kanilang mga gawa ay tinuturing pa rin mga klasiko ng kanluraning panteatrong kanoniko.
Pinaglabanan ang Digmaang Persa sa pagitan ng isa koalisyon ng mga lungsod ng Griyego at ang malawak na Imperyong Akemenida na Imperyong Persa ay isang mahalagang sandali sa politikang Griyego. Matapos na matagumpay na mapigilan ang pagdudugtong ng Gresya ng mga Persa, walang intensyon ang Sparta, ang nangingibabaw na kapangyarihan sa koalisyon, na magdagdag pa ng opensibang aksyon at isaalang-alang ang digmaan. Samantala, nagkontra-atake ang Atenas, na pinalaya ang mga mamamayang Griyego ng Imperyong Persa sa taas at baba ng baybaying Ioniko at pinagana ang isang bagong koalisyon, ang Ligang Delos. Ang mga tensyon sa pagitan ng Atenas, at lumalagong imperyalistikong ambisyon nito bilang pinuno ng Ligang Delos, at tradisyunal na namamayaning Sparta ay nagdulot sa pinahabang walang talo o walang panalo sa Digmaang Peloponeso.
Ang ika-5 at ika-6 na siglo ay isang panahon ng karunungang pilosopikal sa mga sumusulong na mga sibilisasyon. Sumulong ang Lumang pilosopiyang Griyego noong ika-5 siglo BC, na ginawang haligi para sa ideolohiyang Kanluranin. Sa Atenas at saan mang sa mundo ng Mediteranyo, tinatakda ang ika-5 siglo BC ng isang mataas na punto ng pagsulong ng mga politikal na institusyon, sining, arkitektura, at panitikan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.