Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ika-17 dantaon (taon: AD 1601 – 1700), ay isang siglo na nagsimula noong Enero 1, 1601, hanggang natapos ito noong Disyembre 31, 1700. Pumapatak ito sa Maagang Makabagong panahon sa Europa at sa kontinente na iyon (na tumataas ang impluwensiya nito sa mundo) ay nakikilala sa kilusang pangkalinangan na Baroque, ang huling bahagi ng Ginintuang Panahon ng Kastila, ang Ginintuang Panahon ng Olanda, ang Pranses na Grand Siècle na namayani si Louis XIV, ang Rebolusyong Agham, ang kauna-unahang publikong kompanya sa mundo at megakorporasyon na kilalab bilang Dutch East India Company, at sang-ayon sa ilang dalubhasa sa kasaysayan, ang Pangkalahatang Krisis. Ang pinakamalaking labanang militar ay ang Tatlumpung Taong Digmaan,[1] ang Malaking Digmaang Turko, Digmaang Mughal–Safavid(Digmaang Mughal–Safavid (1622–23)]], Digmaang Mughal–Safavid (1649–53)]]), Digmaang Mughal-Maratha, at ang Digmaang Olandes-Portuges. Sa panahon din ito ang masugid na nagsimula ang Europeong pananakop ng Kaamerikahan, kabilang pagsasamantala ng mga depositong pilak, na nagdulot sa mga paglaban sa inplasyon habang papunta ang kayamanan sa Europa.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.