Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Bilang isang pagtatala ng paglipas ng panahon, ang ika-14 na dantaon ay isang siglo na tumagal mula Enero 1, 1301 hanggang Disyembre 31, 1400. Sa panahong ito, nakaranas ang Kanlurang Aprika at subkontinenteng Indiyano ng paglago ng ekonomiya at kaunlaran.
Sa Europa, kinuha ng Salot na Itim ang 25 milyong buhay – nilipol ang isang-katlo ng populasyon sa Europa[1] – habang lumaban ang Kaharian ng Inglatera at Kaharian ng Pransya sa mahabang Isang Daang Digmaan pagkatapos ng pagkamatay ni Carlos IV, Hari ng Pransya na nagdulot sa pag-angkin sa trono ng Pransya ni Eduardo III ng Inglatera. Tinuturing ang panahon na ito bilang ang pinakamataas na punto ng kagalantihan at tinatakda ang simula ng matibay na magkahiwalay na identidad para sa parehong Inglatera at Pransya gayon din ang pundasyon ng Renasimiyentong Italyano at Imperyong Otomano.
Sa Asya, itinatag ni Tamerlane (Timur) ang Imperyong Timurida. Tinataya ng mga paham na nagdulot ang kampanyang militar ni Timur ng 17 milyong tao na namatay, na nasa 5% ng kabuuang populasyon ng mundo noong mga panahon na iyon. Kasabay nito, umusbong ang Renasimiyentong Timurid. Sa mundong Arabe, nagkaroon ng malaking kontribusyon ang dalubhasa sa kasaysayan at siyentipikong pampolitika na si Ibn Khaldun at manggagalugad na si Ibn Battuta.
Sa India, nahati ang Sultanatong Bengal mula sa Sultanato ng Delhi, isang pangunahing bansang nangangalakal sa mundo. Isinalarawan ng mga Europeo ang sultanato bilang ang pinakamayamang bansa na maaring makipagkalakalan.[2] Napalayas mula sa Tsina ang korteng Mongol at nagretiro sa Mongolia, bumagsak ang Ilkanato, nabuwag ang Chaghatayid at naging dalawang bahagi, at nawala ang posisyon ng Ginintuang Horda bilang isang mahalagang kapangyarihan sa Silangang Europa.
Sa Aprika, ang mayamang Imperyong Mali, isang imperyong nangununa sa produksyon ng ginto sa daigdig, ay naabot ang panteritoryo at ekonomikong rurok sa ilalim ng paghahari ni Mansa Musa I ng Mali, ang pinakamayamang indibiduwal noong panahong medyebal, at sang-ayon sa mga iba't ibang sanggunian, siya ang pinamayaman sa lahat ng panahon.[3][4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.