Zorro
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Zorro (orihinal na tinatawag bilang Señor Zorro) ay isang kathang-isip na tauhan at nakamaskara na bayani na nilikha ni Johnston McCulley noong 1919.[1] Natampok si Zorro sa ilang mga komiks,[2] aklat, pelikula, serye sa telebisyon at ibang midya.
Ginagamit ni Zorro (Kastila para sa soro) ang sikretong pagkakilanlang pangalan na Don Diego de la Vega (orihinal Don Diego Vega), isang maharlika at eskrimador na namuhay noong panahon ng kolonyal na Kastila sa Kalipornya. Dumaan sa mga pagbabago ang katauhan sa paglipas ng panahon, ngunit tipikal ang imahe ni Zorro na bandidong may itim na maskara na pinagtatanggol ang mga tao sa kanilang lupa laban sa mga malupit na mga opisyal at ibang kontrabida. Hindi lamang siya tuso na parang soro na mahirap hulihin ng mga awtoridad, ngunit hinihiya niya ang kanyang mga kalaban upang bigyan kasiyahan ang publiko.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.