Yoon Suk-yeol
Ika-13 na Pangulo ng Timog Korea / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Yoon Suk-yeol (ipinanganak noong Disyembre 18, 1960) ay isang politiko mula sa Timog Korea, dati rin siyang pampublikong tagausig at abogado na ngayo'y nagsisilbing ika-13 at kasalukuyang pangulo ng Timog Korea mula noong 2022. Bago ang kanyang pagkapangulo, nagsilbi siya bilang pangkalahatang piskal sa Timog Korea mula 2019 at 2021.
Ang Inyong Kataas-taasan Yoon Suk-yeol | |
---|---|
윤석열 | |
Ika-13 na Pangulo ng Timog Korea | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 10 Mayo 2022 | |
Punong Ministro |
|
Nakaraang sinundan | Moon Jae-in |
Pangkalahatang Piskal ng Timog Korea | |
Nasa puwesto 25 Hulyo 2019 – 4 Marso 2021 | |
Pangulo | Moon Jae-in |
Nakaraang sinundan | Moon Moo-il |
Sinundan ni | Kim Oh-soo |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | (1960-12-18) 18 Disyembre 1960 (edad 63) Seoul, Timog Korea |
Partidong pampolitika | People Power (2021–kasalukuyan) |
Ibang ugnayang pampolitika | Walang ka-partido (bago 2021) |
Asawa | Kim Keon-hee (k. 2012) |
Ama | Choi Jeong-ja |
Ina | Yoon Ki-jung |
Tahanan | Presidential residence |
Alma mater | Seoul National University (LLB, LLM) |
Trabaho | Politiko |
Propesyon | Abogado |
Relihiyon | Roman Catholicism (Christian name: Ambrose)[1] |
Pirma | |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 윤석열 |
Hanja | 尹錫悅 |
Binagong Romanisasyon | Yun Seok-yeol |
McCune–Reischauer | Yun Sŏgyŏl |
IPA | Pagbabaybay sa Koreano: [jun.sʰʌ̹ŋ.ɲ̟ʌ̹ɭ / jun.sʰʌ̹.ɟʌ̹ɭ] |
Ipinanganak sa Seoul, pumasok si Yoon sa Pambansang Unibersidad ng Seoul. Sa kanyang kapasidad bilang pinuno ng Distritong Sentral ng Seoul sa Opisina ng Piskal, gumanap siya ng mahalagang papel sa paghatol sa mga dating pangulo katulad nina Park Geun-hye at Lee Myung-bak para sa kanilang mga pang-aabuso sa kapangyarihan. [2] [3] [4] Si Yoon ay hinirang na pangkalahatang piskal ng Timog Korea ni Pangulong Moon Jae-in noong Hulyo 2019. Sa pamumuno ni Yoon, nagsagawa ang Opisinang Piskal ng Korte Suprema ng mga kontrobersyal na imbestigasyon kay Cho Kuk, isang maimpluwensyang tao sa administrasyon ni Pangulong Moon, na magdadala sa pagbitiw ni Cho sa puwesto. [5] [6] Ang mga pakikibaka ni Yoon sa administrasyong Moon hanggang sa kanyang pagbitiw bilang pangkalahatang piskal noong Marso 2021 ay humantong sa kanyang pagbangon bilang kandidato sa pagkapangulo. [2]
Noong Hunyo 2021, inihayag ni Yoon ang kanyang pagkandidato sa 2022 South Korean presidential election. Sumali siya sa isang konserbatibong partidong People Power Party noong Hulyo, at nanalo sa nominasyon ng PPP noong Nobyembre. Makitid na tinalo ni Yoon ang nominado ng Demokratikong Partido na si Lee Jae-myung noong 9 Marso 2022 at nanungkulan bilang pangulo noong 10 Mayo 2022. [7]