Xiangyang
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Xiangyang ay isang antas-prepektura ng lungsod sa hilaga-kanlurang lalawigan ng Hubei, Tsina at ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Hubei ayon sa populasyon. Nakilala ito bilang Xiangfan mula 1950 hanggang 2010.[2] Dumadaloy ang Ilog Han sa gitna ng sentro ng Xiangyang at hinahati ito mula hilaga-patimog. Ang mismong lungsod ay isang aglomerasyon o pagsasama ng dalawang dating hiwalay na mga lungsod: Fancheng at Xiangcheng (nakilala bilang Xiangyang bago ang taong 2010). Ang natira sa lumang Xiangyang ay nasa timog ng Ilog Han at naglalaman ng isa sa pinakamatandang mga buo pang pader ng lungsod sa Tsina, habang nasa hilaga naman ng ilog ang Fancheng. Kapuwa naglingkod ng mahalagang gampanin sa kasaysayan sa kapuwa sinauna at bago ang makabagong kasaysayang Tsino. Sa kasalukuyan, ang lungsod ay naging tudlaam ng pampamahalaan at pampribadong pamumuhunan, bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa na paunlarin ang mga loobang lalawigan. Noong 2017, nasa 5.65 milyong katao ang populasyon ng antas-prepektura na lungsod, 3.37 milyon sa kanila ay mga urbanong residente.[3]
Xiangyang 襄阳市 Siangyang, Siang-yang | |
---|---|
Antas-prepektura na lungsod | |
Tanaw sa Fancheng District mula Xiangcheng District sa kabilang panig ng Ilog Han. | |
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Xiangyang sa Hubei | |
Mga koordinado (Pamahalaang Xiangyang): 32°00′36″N 112°07′19″E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Hubei |
Mga dibisyong antas-kondado | 8 |
Mga dibisyong antas-township | 159 |
Sentro ng munisipyo | Xiangcheng District |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 19,724.41 km2 (7,615.64 milya kuwadrado) |
• Urban | 3,672.9 km2 (1,418.1 milya kuwadrado) |
• Metro | 3,672.9 km2 (1,418.1 milya kuwadrado) |
Taas | 71 m (232 tal) |
Populasyon (Senso 2010[1]) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 5,500,307 |
• Kapal | 280/km2 (720/milya kuwadrado) |
• Urban | 2,199,689 |
• Densidad sa urban | 600/km2 (1,600/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (China Standard) |
Kodigo ng lugar | 710 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-HB-06 |
GDP, 2007 | ¥78.545 bilyon |
GDP sa bawat tao, 2007 | ¥14,478 |
Unlapi ng plaka ng sasakyan | 鄂F |
Websayt | xiangyang.gov.cn |
Xiangyang | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinapayak na Tsino | 襄阳 | ||||||||
Tradisyunal na Tsino | 襄陽 | ||||||||
Postal | Siangyang | ||||||||
| |||||||||
Xiangfan (pangalan 1950–2010) | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 襄樊 | ||||||||
Postal | Siangfan | ||||||||
| |||||||||