![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/a1/Windhoek-Skyline.jpg/640px-Windhoek-Skyline.jpg&w=640&q=50)
Windhoek
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Windhoek ( /ˈwɪndhʊk/, Afrikaans: [ˈvəntɦuk], Aleman: [ˈvɪnthʊk]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Namibia. Matatagpuan ito sa gitnang Namibia sa lugar ng talamapas sa Kataasang Khomas, sa mga 1,700 metro (5,600 talampakan) sa itaas ng antas ng dagat, halos tumpak na nasa pang-heograpiyang gitna ng bansa. Nasa 431,000 ang populasyon ng Windhoek noong 2020[1] na patuloy na lumalago dahil sa dagsa mula sa buong Namibia.
Windhoek Windhoek Windhoek Windhuk Otjomuise | ||
---|---|---|
lungsod, big city | ||
![]() | ||
| ||
![]() | ||
Mga koordinado: 22°34′12″S 17°05′01″E | ||
Bansa | ![]() | |
Lokasyon | Khomas Region, Namibia | |
Itinatag | 1840 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 5,133,000,000 km2 (1.982×109 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2020) | ||
• Kabuuan | 431,000 | |
• Kapal | 0/km2 (0.00022/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+02:00 | |
Websayt | http://www.windhoekcc.org.na/ |
Ang Windhoek ay ang sentrong panlipunan, ekonomiko, pampolitika, at pangkalinangan ng bansa. Punong-himpilan ito ng halos bawat pambansang negosyo, katawang pampamahalaan, institusyong pang-edukasyon at pangkalinangan ng bansa.
Umunlad ang lungsod sa sityo ng isang permanenteng mainit na bukal na kilala sa mga katutubong pastoral na pamayanan. Mabilis itong umunlad pagkatapos nanirahan dito si Jonker Afrikaner, ang Kapitan ng Orlam, noong 1840 at nagtayo ng simbahan para sa kanyang pamayanan. Sa mga dekada na sumunod dito, nagresulta ang mga maraming digmaan at armadong labanan sa pagpapabaya at pagkawasak ng bagong panirahan. Naitatag ang Windhoek sa ikalawang pagkakataon noong 1890 ng Mayor ng Imperyal na Hukbong Aleman na si Curt von François, nang nakolonisa ang teritoryo ng Imperyong Aleman.