Wikiquote
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Wikiquote ay isa sa mga pamilya ng proyektong nakabatay sa wiki na pinapatakbo ng Pundasyong Wikimedia, na tumatakbo sa software na MediaWiki. Batay sa ideya ni Daniel Alston at ipinapatuapd ni Brion Vibber, ang hangarin ng proyekto, na nagsimula bilang isang sibol sa Tanyag na mga Pagbanggit ng Wikipedia, ay upang makagawa ng tulong-tulong na isang malawak na reprerensya ng mga pagbanggit mula sa mga prominenteng tao, aklat, pelikula, kasabihan, atbp. at upang maging maayos hangga't maari sa pagsasaalang-alang sa mga detalye ng mga banggit at makapagbigay din ng nararapat sangguniang mula sa tao ng mga pagbanggit.
Uri ng sayt | Repositoryo ng pagbanggit |
---|---|
Mga wikang mayroon | Maraming wika (73 aktibo)[1] |
May-ari | Pundasyong Wikimedia |
Lumikha | Daniel Alston, Brion Vibber at ang pamayanang Wikimedia |
URL | wikiquote.org |
Pang-komersiyo? | Hindi |
Pagrehistro | Opsyonal |
Nilunsad | 10 Hulyo 2003; 20 taon na'ng nakalipas (2003-07-10) |
Kasalukuyang kalagayan | aktibo |
Noong una, nilikha ang proyekto sa Ingles lamang noong Hulyo 2003; isang kalaunang paglawak ang isinama ang karagdagang wiki ay sinimulan noong Hulyo 2004.[2] Noong Mayo 2024, mayroong aktibong websayt para sa Wikiquote na 73 wika[1] na binubuo ng kabuuang 323,668 artikulo at 1,761 kamakailang aktibong patunugot.[3]