![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2c/Ibanag_language_map.png/640px-Ibanag_language_map.png&w=640&q=50)
Wikang Ibanag
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang wikang Ibanag (tinatawag din bilang Ybanag o Ibanak) ay isang wikang Austronesyo na sinasalita ng hanggang 500,000 tagapagsalita, pinakapartikular ang mga Ibanag, sa Pilipinas, sa hilagang silangang mga lalawigan ng Isabela at Cagayan, lalo na sa Tuguegarao, Solana, Abulug, Cabagan, at Ilagan at kasama ang mga mandarayuhan sa ibayong-dagat sa mga bansang matatagpuan sa Gitnang Silangan, Reyno Unido, at Estados Unidos. Karamihan sa nagsasalita ng Ibanag ay nakakapagsalita din ng Ilokano, ang lingguwa prangka ng hilagang Luzon. Nagmula ang pangalang Ibanag mula sa unlaping I na nangangahulugang 'tao ng', at bannag, na nangangahulugang 'ilog'. Malapit ito sa mga wikang Gaddang, Itawis, Agta, Atta, Yogad, Isneg, at Malaweg.
Agarang impormasyon Ibanag, Katutubo sa ...
Ibanag | |
---|---|
Ybanag, Ibanak | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Hilagang Luzon |
Pangkat-etniko | Ibanag |
Mga natibong tagapagsalita | 400,000 (2010)[1] |
Austronesyo
| |
Opisyal na katayuan | |
Wikang pang-rehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | ibg |
Glottolog | iban1267 |
Linguasphere | 31-CCB-a |
![]() Mga lugar kung saan sinasalita ang Ibanag ayon sa Ethnologue | |
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA. |
Isara