Viva Films
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Viva Films ay isang kompanyang pamproduksyon ng pelikula sa Pilipinas na itinatag noong Nobyembre 11, 1981. Nasa ilalim ng Viva Communications Inc. ang Viva Films.[1][2] Nagsimula ang kompanya nang naghahanap ang noo'y Alkalde ng Lungsod ng Pasay na si Pablo Cuneta ng kasosyo para i-prodyus ang ikalawang pelikula ng kanyang anak na si Sharon Cuneta at si Vic del Rosario na humahawak sa karera ni Sharon sa pag-awit ang nahanap niyang maging kasosyo.[3] Naitatag ang Viva Films sa sosyohan na ito para gawin ang P.S. I Love You na pinagbidahan ni Sharon at katambal niyang si Gabby Concepcion.[3]
Uri | Subsidiyaryo |
---|---|
Industriya | Pelikula |
Itinatag | Lungsod Quezon, Pilipinas (11 Nobyembre 1981; 42 taon na'ng nakalipas (1981-11-11)) |
Nagtatag | Vicente del Rosario Jr. |
Punong-tanggapan | , Pilipinas |
Pinaglilingkuran | Buong mundo (pangunahin sa Pilipinas) |
Pangunahing tauhan | Wilma Galvante (tagapangulo ng lupon at punong opisyal ng tagapagpagnap) Felipe L. Gozon |
Produkto | Pelikula |
May-ari | GMA Network |
Magulang | Viva Communications |
Noong unang limang taon ng kompanya, naging estratehiya nila ang pagkuha ng mga karapatang-ari ng ibang lokal na prodyuser, at nakakuha sila ng 500 lokal na titulo sa ibang prodyuser na binubuo ng 40% ng kanilang koleksyon na mga gawa.[4] Sa dami ng kanilang mga koleksyong pelikula, kumikita sila sa paglilisensya ng mga ito sa ibang mga plataporma tulad ng mga himpilan ng kaybol na PBO at Cinema One.[4] Nagkaroon din sila ng kasunduan sa ibang kompanyang produksyon tulad ng GMA Pictures[5] at Globalgate Entertainment, na pinamumunuan ng Amerikanong kompanyang produksyon na Lionsgate.[1]