Kabisayaan
isa sa tatlong pangkat ng mga pulo ng Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Visayas o Kabisayaan (sa Bisaya: Kabisay-an), tinagurian ding Gitnang Pilipinas, ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.[1]
Agarang impormasyon Palayaw: Gitnang Pilipinas, Heograpiya ...
Palayaw: Gitnang Pilipinas | |
---|---|
Heograpiya | |
Lokasyon | Timog Silangang Asya |
Arkipelago | Pilipinas |
Sukat | 61,077 km2 (23,582 mi kuw) |
Pamamahala | |
Pilipinas | |
Demograpiya | |
Populasyon | 11,203,760 |
Densidad ng pop. | 294.28 /km2 (762.18 /mi kuw) |
Isara
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar.[4] Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga Bisaya.