pulo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Negros ay isang pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan. Ikatlong pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Negros na may sukat na 13,328 square kilometre (5,146 mi kuw). Tinatawag na mga Negrenses ang mga naninirahan dito.
Heograpiya | |
---|---|
Lokasyon | Timog Silangang Asya |
Mga koordinado | 10°00′N 123°00′E |
Arkipelago | Kabisayaan |
Sukat | 13,328.4 km2 (5,146.12 mi kuw) |
Ranggo ng sukat | 62nd |
Pinakamataas na elebasyon | 2,435 m (7,989 tal) |
Pamamahala | |
Pilipinas | |
Demograpiya | |
Populasyon | 4,194,525[1] |
Densidad ng pop. | 315 /km2 (816 /mi kuw) |
Nahahati ang pulo ng Negros sa dalawang lalawigan: ang Negros Oriental sa rehiyon ng Gitnang Kabisayaan at Negros Occidental, na bahagi ng rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Sinusundan ng pagkakahating ito ang bulubundukin sa gitna ng pulo, na humahati rin sa dalawang pangkat etno-lingwistiko. Ang kanlurang bahagi (Occidental) ay Mga Ilonggo o mga Negrenseng nagsasalita ng Hiligaynon, at ang silangang bahagi (Oriental) ay tirahan ng mga Negrenseng nagsasalita ng Cebuano.
Kilala ang pulo ng Negros bilang pangunahing prodyuser ng asukal. Maraming mga pagawaan ng tubo sa mga pook agrikultural ng pulo. Nakakagawa rin ang pulo ng mga bulak.
Ang Bulkang Kanlaon sa hilagang bahagi ng pulo ay isa sa pinaaktibong bulkan sa Pilipinas. Ito rin ang pinakamataas na bahagi ng lupa sa pulo at sa Kabisayaan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.