Via Francigena
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Via Francigena (Italyano: [ˈviːa franˈtʃiːdʒena]) ay isang sinaunang daan at ruta ng peregrinasyon na tumatakbo mula sa katedral na lungsod ng Canterbury sa Inglatera, sa pamamagitan ng Pransiya at Suwisa, hanggang sa Roma[1] at pagkatapos ay sa Apulia, Italya, kung saan mayroong mga daungan ng embarkasiyo para sa Banal na Lupain.[2] Ito ay kilala sa Italya bilang "Via Francigena" ("ang daan na nagmumula sa Pransiya") o ang "Via Romea Francigena" ("ang daan patungo sa Roma na nagmumula sa Pransiya").[3] Noong panahong medyebal, ito ay isang mahalagang daan at ruta ngperegrinasyon para sa mga nagnanais na bisitahin ang Banal na Luklukan at ang mga libingan ng mga apostol na sina San Pedro at san Pablo.