From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang unya (Ingles: onycha, operculum)[1][2] ay isang uri ng pabango na nakukuha mula sa mga sahing[kailangang linawin] ng mga suso, partikular na ang mula sa panakip sa kabibeng-bahay ng mga susong ito. Ginagamit ito sa paggawa ng mga insenso.
Kilala rin sa tawag na Blatta Byzantina, kahawig ang unya ng mga kuko at gumaganap na natitiklop na palapa ng ilang mga kuhol katulad ng Onyx marinus, Strombus lentiginosus, at Unguis odoratus. Ito ang pang-taas na bahagi ng kabibeng tinatawag na Conchylium (Latin.
Iba't iba ang hugis at laki ng mga kabibeng ito, ngunit katulad ng isang kuko ng mga ibong mandaragit (lawin, agila, buwitre, at iba pa) ang kanilang pankalahatang hugis, na pinagmulan ng pangalang Unguis odoratus. Nagmula ang pangalang Blatta Byzantina mula sa pinanggalingan nila: karaniwang nakukuha sila mula sa Constantinople, ang dating Byzantium.
Noong unang panahon, ginagamit ang mga unya bilang pabango (mga spice, o panimpla ng amoy). Pinapahiran sila ng mga solusyong alkali na inihanda mula sa mapait na vetch para matanggal muna ang mga impuridad o mga hindi kailangang dumi. Pagkatapos, ibinababad sila sa mga permentadong katas ng mga bungang berry ng palumpong na Caper, o kaya sa isang matapang ng puting alak, upang mapalakas pa ang kanilang kabanguhan.
Isang mabangong komponente ang unya, kasama ng mga kaparis na bahagi ng mga estakte, galbanum, at kamanyang, ng mga itinuturing na banal na insensong ginagamit sa mga templo sa Exodus ng Biblia.[3] Hindi ginagaya ang mga pormularyong ito na pang banal na insenso at langis para sa mga hindi-sagradong paggamit.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.