From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Wisconsin–Madison (Ingles: University of Wisconsin–Madison), na kilala rin bilang Wisconsin, "UW", UW–Madison, o simpleng Madison) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Madison, estado ng Wisconsin, Estados Unidos. Itinatag noong nakamit ng Wisconsin ang pagiging estado noong 1848, ang UW–Madison ay ang opisyal ng unibersidad ng estado ng Wisconsin, at ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Wisconsin Sistema. Ito ay ang unang pampublikong unibersidad na itinatag sa Wisconsin at nananatiling ang pinakamatanda at pinakamalaking pampublikong unibersidad sa estado. Ito ay naging isang lupa-grant na institusyon noong 1866.[1] Ang 933 akre (378 ha) na pangunahing kampus ay kinabibilangan ng apat na National Historic Landmark.[2]
Ang UW–Madison ay organisado sa 20 mga paaralan at mga kolehiyo, kung saan nakatala ang 29,302 undergraduate, 9,445 graduate, at 2,459 propesyonal na mga mag-aaral at nabigyan sa akademikong taong 2013-2014.[3] Ang Unibersidad ay merong higit sa 21,796 guro at mga kawani.[3] Nag-aalok ito ng 136 undergraduate majors, kasama 148 masteral na mga programa at 120 doktoral na programa.[4]
Ang UW ay isa sa mga tinuturing na Public Ivy na pamantasan, na siyang tawag sa mga nangungunang pampublikong unibersidad sa Estados Unidos na maihahambing sa Ivy League. Ang UW–Madison ay ikinakategorya bilang isang RU/VH Research University (napakataas na aktibidad ng pananaliksik) ng Carnegie Classification of Institutions of Higher Education.[5][6] Isang ang unibersidad sa nagtatag ng Association of American Universities.[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.