Unibersidad ng Tehran
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Tehran (Persa: دانشگاه تهران, Ingles: University of Iran) ay ang pinakamatandang modernong unibersidad ng Iran. Ito rin ang pinakaprestihiyosong unibersidad sa bansa. Ito ay may palayaw na "Ang ina sa unibersidad ng Iran" (Persa: دانشگاه مادر) dahil na rin sa kasaysayan at prestihiyo nito. Ito ay ang simbolo ng mas mataas na edukasyon sa Iran. Ito ay halos palaging nararanggo bilang ang pinakamahusay na unibersidad sa Iran sa mga pandaigdigan at pambansang ranggo.[1][2] Ito ay pangunahing sentro ng kaalaman sa mga bansang miyembro ng Organization of Islamic Cooperation (OIC).[3] Ang unibersidad ay nag-aalok ng 111 programang batsilyer, 177 programang master, at 156 programang PhD.[4] Maraming sa mga kagawarang naabsorb ng Unibersidad ng Tehran ay mula sa Dar al-Funun na itinatag noong 1851 at Tehran School of Political Sciences na itinatag noong 1899.