Unibersidad ng Ruhr, Bochum
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Ruhr, Bochum (Aleman: Ruhr-Universitat Bochum, RUB, Ingles: Ruhr-University Bochum), na matatagpuan sa katimugang burol ng gitnang erya ng Ruhr, ang Bochum, ay itinatag noong 1962 bilang ang unang sa mga bagong pampublikong unibersidad sa Alemanya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagtuturo ay nagsimula noong 1965.
Ang Unibersidad ay isa sa pinakamalaking unibersidad sa Alemanya at bahagi ng Deutsche Forschungsgemeinschaft, ang pinakamahalagang organisasyon sa pananaliksik sa bansa.[1]