Unibersidad ng Nevada, Reno
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Nevada, Reno (Ingles: University of Nevada, Reno), na tinutukoy bilang Unibersidad ng Nevada o Nevada, at madalas dinadaglat bilang UNR, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na itinatag noong 1874 at matatagpuan sa Reno, Nevada, Estados Unidos. Ito ay ang nag-iisang land-grant na na institusyon sa buong estado ng Nevada.
Ayon sa Carnegie Classification of Institutions of Higher Education, Unibersidad ng Nevada ay unibersidad na may mataas na aktibidad ng pananaliksik (RU/H).[1] Ang kampus ay tahanan sa malalaking mga laboratoryong pang-istruktura ng College of Engineering, na siyang naglagay sa mga mananaliksik ng Nevada sa hanay ng mga awtoridad sa pagmomodelo sa inhinyeriya-sibil, lindol at malakihang istruktura. Ang mga guro ay may pandaigdigang prestihiyo at lider sa iba't ibang mga lunan tulad ng literaturang pangkapaligiran, pamamahayag, pag-aaral Basque, at agham panlipunan tulad ng sikolohiya. Ito rin ay tahanan ng Donald W. Reynolds Paaralan ng Peryodismo, na nagprodyus ng anim na nanalo sa Gawad Pulitzer.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.