![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c3/Mumbai_03-2016_37_University.jpg/640px-Mumbai_03-2016_37_University.jpg&w=640&q=50)
Unibersidad ng Mumbai
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Mumbai ay isa sa mga pinakaunang unibersidad ng estado sa India at ang pinakamatanda sa estado ng Maharashtra . Nag-aalok ito ng mga kursong batsilyer, master, at doktoral, pati na rin mga diploma at sertipiko sa maraming mga disiplina tulad ng sining, komersyo, agham, at inhenyeriya. Ang wika ng pagtuturo para sa karamihan ng mga kurso ay Ingles.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c3/Mumbai_03-2016_37_University.jpg/640px-Mumbai_03-2016_37_University.jpg)
Ang Unibersidad ng Mumbai ay isa sa pinakamalaking unibersidad sa buong mundo. Noong 2011, ang kabuuang bilang ng mga nakatalang mag-aaral ay 549,432.[1] Ang unibersidad noong 2013 ay may 711 kaakibat (affliated) na kolehiyo. [2]