Unibersidad ng Fribourg
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Fribourg (Pranses: Université de Fribourg; Aleman: Universität Freiburg; Ingles: University of Fribourg) ay isang unibersidad sa lungsod ng Fribourg, Switzerland.[1]
Ang unibersidad ay maiuugat sa taong 1580, nang itatag ng Heswitang paring si Peter Canisius ang Collège Saint-Michel sa lungsod ng Fribourg.[2]
Ang Unibersidad ng Fribourg ang nag-iisang bilingguwal na unibersidad sa Switzerland at nag-aalok ng kurikulum sa Pranses at Aleman, dalawang sa apat na pambansang wika ng Switzerland.[3] Mayroon itong humigit-kumulang 10,000 mag-aaral.[4]