From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Copenhagen (UCPH) (Danes: Københavns Universitet; Ingles: University of Copenhagen) ay ang pinakamatandang unibersidad at institusyon ng pananaliksik sa Dinamarka. Itinatag noong 1479 bilang isang studium generale, ito ay ang ikalawang pinakamatandang institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa Scandinavia pagkatapos ng Uppsala University (1477). Ang unibersidad ay may 23,473 undergraduate na mag-aaral, 17,398 postgraduate na mga mag-aaral, 2,968 mag-aaral sa doktoral na antas at higit sa 9,000 empleyado. Ang university ay may apat na mga kampus na matatagpuan sa sa palibot ng Copenhagen, na may punong-himpilan na matatagpuan sa sentro ng lungsod. Karamihan sa mga kurso ay itinuturo sa wikang Danes; gayunpaman, maraming mga kurso ay nasa wikang ingles at mangilan-ngilan sa Aleman. Ang unibersidad ay may ilang libong mga banyagang mag-aaral, at ang kalahati sa mga ito ay nagmula sa mga bansang Nordiko.
Unibersidad ng Copenhagen | |
---|---|
Københavns Universitet | |
Latin: Universitas Hafniensis | |
Sawikain | Coelestem adspicit lucem (Latin) |
Sawikain sa Ingles | It (the eagle) beholds the celestial light |
Itinatag noong | 1479 |
Uri | Public university |
Badyet | DKK 8,305,886,000 ($1.5 Billion) (2013)[1] |
Rektor | Ralf Hemmingsen |
Academikong kawani | 4.823 (2013)[2] |
Administratibong kawani | 4.382 (2013)[2] |
Mag-aaral | 40,866 (2013) [3] |
Mga undergradweyt | 23.473 (2013) [3] |
Posgradwayt | 17,393 (2013) [3] |
Mga mag-aaral na doktorado | 2.968 (2013) [4] |
Lokasyon | , |
Kampus | City Campus, North Campus, South Campus and Frederiksberg Campus |
Apilasyon | IARU, EUA |
Websayt | www.ku.dk |
Ang unibersidad ay miyembro ng I International Alliance of Research Universities (IARU), kasama ang Unibersidad ng Cambridge, Pamantasang Yale, Australian National University, at UC Berkeley, at iba ba. Noong 2016, niranggo ng Academic Ranking of World Universities ang Unibersidad ng Copenhagen bilang ang pinakamahusay na unibersidad sa Scandinavia at ika-30 sa mundo, sa 2016-2017 Times Higher Education World University Rankings ay ika-120 sa mundo, at sa 2016-2017 QS World University Rankings ay ika-68 sa mundo. Walong alumni ng unibersidad ay nagwagi ng Gawad Nobel[5] at isa naman ang nagwagi ng Gawad Turing.[6]
Ang Unibersidad ng Copenhagen sa kasalukuyan ay may anim na mga fakultad:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.