Unibersidad ng Birmingham
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Birmingham (Ingles: University of Birmingham, impormal na Birmingham University)[1][2] ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Edgbaston, Birmingham, United Kingdom. Ito ay nakatanggap ng royal charter noong 1900 bilang kahalili ng Queen's College, Birmingham (itinatag noong 1828 bilang Birmingham School of Medicine and Surgery) at Mason Science College (itinatag noong 1875 sa pamamagitan ni Sir Josias Mason), kaya ito ang kauna-unahang civic o 'red brick' university ng Inglatera na nakatanggap ng sariling royal charter.[3] Ito ay isang tagapagatatg na miyembro ng parehong Russell Group ng mga unibersidad sa pananaliksik sa UK at ng pandaigdigang network ng mga unibersidad sa pananaliksik, ang Universitas 21.