Udachny
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Udachny (Ruso: Удачный, IPA [ʊˈdatɕnɨj], literal na matagumpay o mapalad; Yakut: Удачнай, Udaçnay) ay isang lungsod sa Distrito ng Mirninsky ng Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa Ilog Markha sa layong 508 kilometro (316 milya) mula Mirny, ang sentrong pampangasiwaan ng distrito. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 12,613 katao.[2]
Udachny Удачный | |||
---|---|---|---|
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyon ng distrito[1] | |||
Transkripsyong Iba | |||
• Yakut | Удачнай | ||
| |||
Mga koordinado: 66°24′N 112°19′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Republika ng Sakha[1] | ||
Distritong administratibo | Distrito ng Mirninsky[1] | ||
Lungsod | Udachny[1] | ||
Itinatag | 1968 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1987[1] | ||
Pamahalaan | |||
• Pinuno | Artur Prikhodko | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2 km2 (0.8 milya kuwadrado) | ||
Taas | 380 m (1,250 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 12,613 | ||
• Kapal | 6,300/km2 (16,000/milya kuwadrado) | ||
• Kabisera ng | Lungsod ng Udachny[1] | ||
• Distritong munisipal | Mirninsky Municipal District[3] | ||
• Urbanong kapookan | Udachny Urban Settlement[3] | ||
• Kabisera ng | Udachny Urban Settlement[3] | ||
Sona ng oras | UTC+9 ([4]) | ||
(Mga) kodigong postal[5] | 678188 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 41136 | ||
OKTMO ID | 98631109001 | ||
Websayt | мо-город-удачный.рф |
Natuklasan ang deposito ng diyamante ng Daanang Udachnaya (Udachnaya pipe) noong 1955. Dahil sa napakaliblib na kinaroroonan nito, hindi ito ginalugad hanggang sa dekada-1960. Kasabay ng pagsisimula ng produksiyon ng diyamante, itinatag ang pamayanang uring-urbano ng Udachny noong 1968. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1987.[1]
Bilang bahagi ng panukalang lalangin ang limasan para sa isang tailings dam para sa kalapit na minahang diyamante, pinasabog ang isang 1.7 kilotoneladang bombang atomiko 98 metro (322 talampakan) sa ilalim ng lupa malapit sa Udachny noong Oktubre 2, 1974. Nilayon ng naunang mga plano ang pagsasagawa ng walong katulad na mga pagsabog, ngunit dahil mas-mataas sa inaasahan ang naging pagkalat ng radyaktibong materyal o radioactive fallout, pinahinto ang proyekto pagkaraan ng unang pagsabog. Hindi isinara ang butas na kung saang naganap ang pagsabog hanggang sa pagkaraan ng labingwalong taon, nang sinarado ito gamit ang kongkretong kabaong ang anyo at may kapal na 7-hanggang-20-metro (23 hanggang 66 na talampakan).[6]
Nananatiling pangunahing gawaing ekonomiko ang pagmimina ng diyamante sa lungsod. Ang Udachny ay ang pangalawang pinakamahalagang sityo ng pagmimina ng diyamante kasunod ng Mirny para sa korporasyong ALROSA na pag-aari ng estado. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Polyarny na nasa 12 kilometro sa labas ng lungsod.
Ang Udachny ay may matinding klimang subartiko (Köppen climate classification Dfd). Napakaginaw ang mga taglamig, kalakip ng katamtamang mga temperatura mula −43.6 °C (−46.5 °F) hanggang −35.2 °C (−31.4 °F) sa Enero. Banayad naman ang mga tag-init, kalakip ng katamtamang mga temperatura mula +8.4 °C (47.1 °F) hanggang +20.1 °C (68.2 °F) sa Hulyo. Mababa ang pag-ulan, subalit mas-mataas ito sa tag-init kompara sa ibang mga panahon ng taon.
Datos ng klima para sa Udachny | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | −35.2 (−31.4) |
−30.3 (−22.5) |
−17.6 (0.3) |
−6.1 (21) |
3.8 (38.8) |
15.6 (60.1) |
20.1 (68.2) |
15.8 (60.4) |
6.3 (43.3) |
−7.7 (18.1) |
−25.4 (−13.7) |
−31.5 (−24.7) |
−7.68 (18.16) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −39.4 (−38.9) |
−35.2 (−31.4) |
−24.3 (−11.7) |
−12.6 (9.3) |
−0.8 (30.6) |
10.1 (50.2) |
14.2 (57.6) |
10.2 (50.4) |
2.1 (35.8) |
−11.5 (11.3) |
−29.8 (−21.6) |
−36.0 (−32.8) |
−12.75 (9.07) |
Katamtamang baba °S (°P) | −43.6 (−46.5) |
−40.0 (−40) |
−30.9 (−23.6) |
−19.0 (−2.2) |
−5.4 (22.3) |
4.6 (40.3) |
8.4 (47.1) |
4.6 (40.3) |
−2.0 (28.4) |
−15.3 (4.5) |
−34.1 (−29.4) |
−40.4 (−40.7) |
−17.76 (0.04) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 12 (0.47) |
9 (0.35) |
11 (0.43) |
16 (0.63) |
27 (1.06) |
46 (1.81) |
59 (2.32) |
50 (1.97) |
34 (1.34) |
28 (1.1) |
20 (0.79) |
14 (0.55) |
326 (12.82) |
Sanggunian: http://en.climate-data.org/location/30312/ |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.