Tuone Udaina
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Tuone Udaina (1821 – June 10, 1898; Antonio Udina sa Italyano) ang kahuli-huliang may taglay na kaalaman ng Wikang Dalmatiko.[1] [2] Siya ang pangunahing pinagkukunan ng kabatiran ng wikain ng kanyang mga magulang, na nasa pulo ng Veglia (Krk sa Kroato), para sa dalubwikang si Matteo Bartoli, na siyang nagtala noong 1897. Hindi kailan man naisa-plaka ang naturang wika. Hindi pangunahing wikain ni Udaina ang Belyoto (Veglioto), isang uri ng wikain ng Dalmatiko, sa dahilang Wikang Benesyano ang kanyang pangunahing wika. Natutunan lamang ni Udaina ang wika mula sa pribadong usapan ng kanyang mga magulang.
Yu yay foyt a skol day tšink yayn e dapú yu vay stat a skol tra yayn; yu yay studyút fenta i vapto yayn.
(Nagpupunta na ako sa paaralan sa loob ng limang taon, at pagkatapos ay nasa paaralan ako ng tatlong taon; nakapag-aral hanggang sa nag-walong taong gulang ako)
M. Bartoli, Das Dalmatische Viena, 1906[3]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/c/c3/TuoneUdaina.jpg)
Namatay ang wikang Dalmatiko nang pumanaw na si Udaina noong ika-10 ng Hunyo 1898 mula sa isang pagsabog.[4]