From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tumblr ay isang platapormang blog na pinahihintulutan ang mga tagagamit nito na maglagay ng kasulatan, mga larawan, mga bidyo, mga kawing, mga sipi at awdiyo sa kanilang Microblogging, isang blog na maikling uri. Ang mga tagagamit ay "nakasusunod" sa iba pang mga tagagamit at makita ang kanilang mga inilagay sa kanilang tapalodo. Maaaring magustuhan o i-reblog ang ibang mga blog sa sayt. Ang paglilingkod ng sayt ay nagbibigay lalim sa pag-iiba at sa kadalian ng paggamit.[2]
Uri | Pribado |
---|---|
Industriya | social network service, micro-blogging |
Itinatag | 2007 |
Punong-tanggapan | , Estados Unidos |
Dami ng empleyado | 8 [1] |
Magulang | Automattic |
Website | www.tumblr.com |
Nagbibigay lalim ang Tumblr sa pag-iiba at sa kadalian ng paggamit na may madaling paglikha ng akawnt o pagtatalaga. Ang "like" na pindutan ay nagbibigay pahintulot sa mga tagagamit na sabihin sa ibang tagagamit na gusto niya ang nilalaman nito. Isa pang magandang nilalaman nito ay ang pindutang "reblog" na nagagawa muling maipaskil ang mga nilalaman mula sa isang tumblelog papunta sa isa na isang positibong katugunan na nagbigay ng 85% na antas ng pagpapanatili[1] kung ihahambing sa Twitter na may 40% na antas ng pagpapanatili.[3]
"Sumusunod" ang mga tagagagamit sa mga tumblelogs gaya ng Twitter at ang mga pagbabago ay nagpapakita sa isang hilera ng tapalogo. Ito ay kung saan "nakapagla-like" o "nakapagre-reblog" ng mga paskil, nakapagdadagdag ng mga pindutan para magdagdag ng nilalaman sa kanilang tumblelog. Ang ibang mga tumblelog na ipinapanatili ng tagagamit ay nagpapakita sa kanan kasama na ang mga estadistika tulad ng tumblarity.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.