Tulay ng Brooklyn
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tulay ng Brooklyn (Ingles: Brooklyn Bridge) ay isang nakasuspindeng tulay sa Estados Unidos na may habang 5,989 talampakan (1825 m)[1] sa Ilog Silangan (East River). Ipinagdudugtong nito ang mga boro ng Manhattan at Brooklyn sa Lungsod ng New York. Sa pagtatapos nito noong 1883, ito ang pinakamahabang nakasuspindeng tulay sa buong mundo, ang unang nakasuspindeng tulay na may de-aserong kawad at ang unang tulay na nagdurugtong sa Pulo ng Long (Long Island).
Tulay ng Brooklyn | |
---|---|
Tulay ng Brooklyn, noong Setyembre 2016. | |
Nagdadala ng | mga kotse, elevated trains (hanggang 1944), streetcar (hanggang 1950), pedestriyan, at bisikleta |
Tumatawid sa | Ilog Silangan |
Pook | New York City (Manhattan–Brooklyn) |
Pinanatili ng | New York City Department of Transportation |
Nagdisenyo | John Augustus Roebling |
Disenyo | Suspension/Cable-stay Hybrid |
Pinakamahabang kahabaan | 1,595 talampakan 6 dali (486.3 m) |
Kabuuang haba | 5,989 talampakan (1825 m) |
Lapad | 85 talampakan (26 m) |
Clearance below | 135 talampakan (41 m) sa mid-span |
AADT | 145,000 |
Petsa ng pagbubukas | Mayo 24, 1883 |
Bayarin | Libre |
Mga koordinado | 40.706344°N 73.997439°W / 40.706344; -73.997439 (Brooklyn Bridge) |
Orihinal na ipinangalanan bilang Bagong York at Tulay ng Brooklyn, ito ay ipinangalanan bilang Tulay ng Brooklyn sa isang sulat na ipinadala noong 1867 para sa patnugot ng Brooklyn Daily Eagle,[2] at pormal na ipinalanganan ng pamahalaan ng lungsod noong 1915. Simula ng pagbubukas nito, ito ay naging isang simbolikong bahagi ng panoramang urbano ng Lungsod ng Bagong York. Ito ay ginawa bilang isang National Historic Landmark noong 1964.[3][4][5]