Tugtuging katutubo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa tugtuging pambayan bilang musika ng mga katutubong tao ang artikulo na ito. Para sa tugtuging pambayan na isang kaurian ng musika na umusbong noong ika 20 siglo mula sa tradisyunal na tugtuging pambayan, tingnan ang tugtuging pambayan.
Maaaring tumukoy ang katutubong tugtugin sa kahit anumang mga tradisyunal na musika ng mga katutubo sa buong mundo, lalo na ang musikang pambayan, pangseremonya o rituwal (pangrito), at panrelihiyong mga tradisyon ng mga taong iyon. Ito ang musika ng isang "orihinal" na pangkat etniko na tumitira sa kahit anong rehiyong heograpiya kasama ang mga kamakailan lamang na imigrante na maaring mas malaki ang bilang.[1]