![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/65/Torre_Bel%25C3%25A9m_April_2009-4a.jpg/640px-Torre_Bel%25C3%25A9m_April_2009-4a.jpg&w=640&q=50)
Tore ng Belem
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tore ng Belem (Portuges: Torre de Belém, bigkas: be-LEYNG; Ingles: Belem Tower) o ang Tore ni San Vicente[1] (São Vicente) ay isang matatag na toreng matatagpuan sa distrito ng Belém sa Lisboa, Portugal. Ito ay isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO (kasama ng kalapit nitong Monasteryo ng mga Heronimos) dahil sa mahalagang papel na ginampanan nito noong Panahon ng Pagtuklas. Ang tore ay pinasimulan ni haring Juan II bilang bahagi ng sistemang pandepensa sa bibig ng Ilog Tajo at bilang isang makahulugang entrada patungo sa Lisboa.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/65/Torre_Bel%C3%A9m_April_2009-4a.jpg/640px-Torre_Bel%C3%A9m_April_2009-4a.jpg)