Titi ng tao
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang titi ng tao ay isang panlabas na organong seksuwal ng mga lalaking tao. Isa itong organong reproduktibo at intromitente (ipinapasok o ipinapaloob) na nagsisilbi rin bilang daluyan ng ihi. Binigyang kahulugan nina Morton G. Harmatz at Melinda A. Novak ang titi sa kanilang aklat na Human Sexuality bilang parang pendulo o palawit o lawit at parang gabilya o pamalo na organong panlalaki na ginagamit sa pakikipagtalik at sa pagtatanggal (eliminasyon) ng ihi at duming nasa ihi.[1]
Agarang impormasyon Mga pagkakakilanlan, Anatomiya ni Gray ...
Titi ng lalaking tao | |
---|---|
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1247 |
MeSH | Penis |
TA | A09.4.01.001 |
FMA | 9707 |
Isara