From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Tina Monzon-Palma (ipinanganak Maria Cristina Mapa Monzon[1] noong 29 Marso 1951 sa Maynila[2]) ay isang mamamahayag at tagapagbalita sa radyo at telebisyon na mula sa Pilipinas. Kilala siya bilang isang tagapabalita sa mga programang balita na pinapalabas na malapit sa hatinggabi. Siya ay lumabas sa iba't ibang himpilan ng telebisyon. Naging kauna-unahang babaeng tagapaghatid ng balita ng GMA Network[3] at binunsod ang Publikong Ugnayan nito noong termino niya bilang tagapamahala ng balita sa GMA News.[4][5] Sa kalaunan, lumipat siya sa ABC-5 (na naging TV 5) bilang pinuno ng operasyon.[1] Pagkatapos ng anim na taon sa ABC-5, pinamunuan niya ang serbisyong publikong kampanya ng ABS-CBN laban sa pagmamalabis sa bata na nasa ilalim ng Bantay Bata, isang programa para sa kapakanang panlipunan.[1] Naging tagapabalita siya ng mga programang balita ng ABS-CBN naThe World Tonight kung saan pinalitan niya si Loren Legarda.[1]
Tina Monzon-Palma | |
---|---|
Kapanganakan | Ma. Cristina Mapa Monzon 29 Marso 1951 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | St. Scholastica's College |
Trabaho |
|
Aktibong taon | c. 1968-kasalukuyan |
Amo | |
Asawa | Rene Palma |
Anak | 3 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.