![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c1/06_Map_of_South_Tarawa%252C_Kiribati.jpg/640px-06_Map_of_South_Tarawa%252C_Kiribati.jpg&w=640&q=50)
Timog Tarawa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Timog Tarawa (sa Wikang Kiribati: Tarawa Teinainano) ay ang kabisera at sentro ng Republika ng Kiribati at pinaninirahan ng halos na kalahati ng populasyong ng bansang Kiribati.[2] Ang populasyon ng Timog Tarawa ay matatagpuan sa lahat ng mga maliliit na pulo mulas sa Betio sa Kanluran hanggang sa Bonriki sa Silangan na kinakabit ng pangunahing daanan ng Timog Tarawa; na may populasyong na 50,182 magmula noong 2010[update] .[1]
![]() | |
Heograpiya | |
---|---|
Lokasyon | Karagatang Pasipiko |
Mga koordinado | 1°26′N 173°00′E |
Arkipelago | Kapuluang Gilbert |
Sukat | 15.76 km2 (6.085 mi kuw) |
Pinakamataas na elebasyon | 3 m (10 tal) |
Pamamahala | |
Demograpiya | |
Populasyon | 50,182[1] |
Densidad ng pop. | 3,184 /km2 (8,247 /mi kuw) |
Ang Timog Tarawa ang tagpuan ng karamihan sa mga pasilidad na pang-gobyerno, komersyo at edukasyon sa Kiribati kasama na dito ang daungan at ang Mataas na Hukuman sa Betio, ang Kabahayan ng Estado, mga Ministro ng Gobyerno at ang mga dayuhang Mataas na Komisyon sa Bairiki, ang kampus ng Unibersidad ng Timog Pasipiko sa Teaorereke, ang Kabahayan ng Kapulungan sa Ambo, ang Kiribati Teacher College and King George V and Elaine Bernachi School, ang Government High School, sa Bikenibeu,[3] at ang sentral na ospital sa Nawerewere. Ang Roman Katolikong diyosesis ay nakabase sa Teaorereke, ang Simbahang Protestante ng Kiribati (Kongregasyonal) sa Antebuka, at ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Eita.[4]