Ang Tiergarten (pormal na Aleman na pangalan: Großer Tiergarten) ay ang pinakasikat na liwasan sa loob ng lungsod ng Berlin, na ganap na matatagpuan sa distrito ng kaparehong pangalan. Ang liwasan ay 210 ektarya (520 akre) ang laki at kabilang sa pinakamalaking urbanong hardin ng Alemanya.[1] Tanging ang Tempelhofer Park (dating Paliparang Tempelhof ng Berlin) at Englischer Garten ng Munich ang mas malaki.

Thumb
Buong tanaw sa himpapawid ng Tiergarten

Mga pasilidad at atraksiyon

  • mga lugar na angkop para sa mga picnic, barbecue, pag-jog, pagbibisikleta, at mga sport pamparang gaya ng soccer
  • pagrenta ng pedal-taxi
  • isang malaking palaruan sa timog-silangang sulok ng parke, malapit sa Potsdamer Platz.
  • Ang Berlin zoo
  • Sa malamig na taglamig, paminsan-minsan ay posible na mag-ice-skating sa ilan sa maliliit na lawa ng parke.
  • Mga harding Ingles
  • Mga Monumento (Sobyetikong Alaalang Pandigma)

Transportasyon

Ang liwasan ay pangunahing pinaglilingkuran ng S-Bahn sa mga hintuan ng tren ng Berlin Tiergarten (na matatagpuan sa kanlurang pasukan sa Straße des 17. Juni ) at Berlin Bellevue (mga linyang S5 S7 S75). Ang N9 bus ay nagsisilbi rin sa parke.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.